First trimester, nakaramdam ng pagkahilo, pag dilim ng paningin, pamamanhid ng katawan
At hirap sa pag hinga na parang mahihimatay. Naranasan nyo din ba? May nag sabi na normal lang daw dahil sa pag babago ng katawan pero hindi ko naman naramdaman to sa first baby ko.

same po tayo mie ngayon ganyan din nararamdaman ko ngayon sa 2nd baby ko. sa 1st baby ko di ko danas ang ganyan. tapos hirap pa ako matulog sa gabe na para pang sinisikmura lagi ako at masakit ang dyan ko na ewan
Ako ganyan din ako, nung second check up ko nangyare. kaya pala nabanis ako, alam nyo po ba iyon? yun bang kailangan hilutin kayo para mawala ang sakit, pagkahilo, pag didilim ng paningin, panlalambot
kung nahihilo ka at nagkkaroon ng paninilim ng paningin di sya normal baka mataas bp mo try mo magpa BP,Kasi pwede sya mag cause ng preeclampsia pag mga ganyan narrmdam
Yes, it's normal. Pero pag grabe na see your doctor/OB para ma resetahan gamot. May iilan kasi binibigayan sila Nausefem for discomfort tsaka vomiting.
normal po yan sa mga buntis dahil sa hormones. kaya hwag po pagutom, iwasan magpagod at stay hydrated