Hirap ng buhay ngayon. Maselan ako magbuntis since 6 weeks ako. 2nd trimester na ko ngayon.
Alam naman nilang maselan ako magbuntis need ng bedrest narinig pa ng hubby ko galing sa OB. Nagagalit pa sakin ang kalat ng kwarto. (panay kalat kasi lo ko, 3 yrs old lo ko puro toys kinakalat niya) di naman pde ayusin ng ayusin hanggat gising ung bata ikakalat at ikakalat ung toys. Hindi naman kailangan minuminuto liligpitin mo. Kasi mapapagod ka lang.
Sa paghahain ng pagkain kailangan mabilis din kasi masisigawan ka ng bat di kpa nakahain. Ako pa maghuhugas ng pinagkainan. Isusumbat sakin na may work siya may kausap. Ni man lang magbigay ng ilang minuto para tulungan ako. Akyat panaog pa ko.
Kapag dinugo ako, ako sinisisi kesyo di daw nag iingat. Pero kapag di ako gumawa ng gawaing bahay nanenermon.
Kakagaling ko nga lang ng hospital kninang umaga kasi dinugo ako ng grabe. Pero pagdating na pagdating sa bahay naghain ako pinagmamadali pa ako kasi aalis siya. Ireareason niya ung work. Pano daw ako ipapagamot kung wla work. Ok sana kung dun ako sa nanay ko maaalagaan ako ng maayos. π₯Ίπ₯Ί Nakakawalang gana magvent out kay hubby. Dahilan lagi work. Dinadala hanggang bahay
Anonymous