☹️☹️

Hindi po minsan nagalaw si baby sa tummy ko☹️ normal poba yun? Natatakot po kasi ako kasi naiistress poko madalas ngaun at hirap po matulog lagi☹️28weeks preggy po

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din ganyan nangyayari sakin, nung sobrang worry ko nagpunta ako hospital pinag ultrasound nila ako para makita si baby. Sabi ng ob sono baka lagi lang daw kasi tulog si baby kahit nung inuultrasound ako pinakita nya sakin natutulog si baby. Sabi nya after meal hintay ka ng 1hr tsaka mo bilangin kick ni baby kelangan maka 10 movement sya. Or kain ka ng sweets but not too much.

Magbasa pa

Sakin din ganyan may araw na hindi sya gumagalaw sa tyan ko may araw nman na halos ayaw huminto wala nman akong nararamdaman na kakaiba maliban sa pag sakit ng likod ... Kausapin mo lang si baby at music .. Ganun lang ginagawa ko pag gusto ko sya maramdamang gumalaw 😊😊

5y ago

😉

Same po ako po ngayon nawoworry kase di magalaw si baby ko pero na tigas sya tas babalik ulit haiyst Sana okay Lang din baby ko di kase makapagpacheck up kase walang malapit na bukas na center dito na pedeng mag pacheck up😢29weeks na po ako ngayon.

5y ago

29 weeks na rin ako bhe. After ko kumain gumagalaw si baby dapat mas madalas na sya gumawa ngayon. Si baby ko makulit eh minsan naiinis ako kasi nasasaktan ako pag sumipa sya nang malakas hehe

Yes, nung preggy ako first time ko sya maramdaman 5 months tapos nung nag 7 months dun sya humina nag alala din ako kasi bihira ko nalang sya naramdaman nung 7-8 months pero ayun super healthy naman hehehe lagi lang sya tlaga tulog hehehe

Hindi normal na di gumagalaw si baby sis.. Pacheck up kna or er kna para macheck mo kung okay siya.. Sabe ng ob ko, my araw daw na sobrang hyper ni baby, may araw naman na hindi ganon kahyper, basta ang mahalaga gumagalaw..

si baby minsan feeling ko tulog sya pag di sya nagalaw pero once na hinawakan ko na yung tyan ko bigla syang iikot feeling ko nagigising ko sya haha ang cutecute!! pero minsan talaga waiting ako sa galaw nya yun pala tulog

Ganyan din one time baby ko. halos maghapon di sya nag lilikot . kinabahan ako .ginawa ko .tinapat ko headset sa tyan ko at nag patugtog ng nakkaindak na songs ayon .gumalaw sya .natulog lng cguro sya ng mahimbing.

Sakin naman sobrang likot na ni baby mula 25week at lalo na ngayon 28 weeks na sya , parang galit kapag nakatagilid ako, gusto nya nakatihaya ako at yun madalas galaw sya ng galaw 😊

5y ago

same mommy pag nakaright grabe talagang pipilipitin ka nya para tumihaya pag at pag naka left kelangan nakatihaya kase nagmamala swimmer sya sa loob ng tyan haha

Same tayo momshie going 28 weeks, madalang lang nakakaworry kasi hindi sya sumisipa ng bongga. Ako ginagawa ko kinakausap namin ng panganay ko tapos hinihimas gumagalaw naman.

Aq nman sobrang active from 28 weeks,ngyon 31 weeks na aq mas na feel q na ung galaw nya minsan masakit na ung nga kicks nya pero okay lang..