βœ•

12 Replies

Flat chested din ako at parehas mo na nagaalala noon. Pero malakas pa rin naging milk output ko, 15months na ang little one and still breastfeeding. Nagtake lang ako ng natalac weeks before due date. Then continue with Buds and Blooms malunggay caps twice a day. Bukod po diyan, sobra hilig ko po sa oats even before pa mabuntis. Almost everyday gumagawa ng overnight oats. Hanggang ngayon ganon pa rin. Pero one thing talaga is maniwala ka sa body mo, basta inalagaan mo naman, gagawin niya ang nararapat. Malaking tulong din ang hubby ko na hindi nahihiyang magtanong sa nurse noong nanganak ako kung paano ba malaman if may gatas o wala. Worried kasi talaga ako. Ayun, mabuti at pinalakas din ng nurse ang loob ko at pinakita niya na may gatas ako. Pero wag ka pa rin mapressure. Kung ano po sa tingin mo ang makakabuti sa inyo BOTH ni baby, ayun ang gawin. Whether breastfeed or not. Fed is best.

Di din ako mapalad sa hinaharap but currently breastfeeding my baby for 11mos na. I took malunggay supplements nung 36weeks preggy ako pero nagstop na ako uminom nung almost 3mos na si baby. Based po sa demand ang supply ng breastmilk natin kaya ipalatch nyo lang po ng ipalatch si baby. Join fb group na Breastfeeding Pinays. Sobrang laking tulong ng group na yan sa breastfeeding journey ng isang mommy.

wala po sa size ng breast ang quantity ng milk. ako, gifted pero di ako nakapagbreastfeed sa panganay ko. ngaun sa 2nd oo pero sapat lang ang supply. Basta po, pag nanganak ka na, padede ka lang ng padede sa umpisa, tiisin kung masakit, magiging okay din ang pakiramdam mo at dadami din ang gatas eventually...wag na wag susuko😊

super flat chested here, as in jutongs lang πŸ˜‚ pero malakas milk . take ka po calcium supplement like calcium calactate ng unilab . natalac , at m2 . nabbili sa andoks at mga botika, laga ka ng malunggay leaves . palamigin at lagay sa ref yun gawin mong water sa milo sa umaga. painitin mo lang. effective sakin

lalaki papo yang dibdib mo at magkakagatas yan pagkapanganak mo mhieee puro kalang sabaw lalu na malunggay lagi mong ilagay dahil nakakapag pa dami yun ng gatas at every 1-2 hours mo ipadede kay baby ang breast para tuloy tuloy lang yung ano nya at dumami pa

Di rin ako gifted pero super lakas milk ko nung pagkapanganak ko up to 2 years ng anak ko, nagtake lang ako ng ilang beses nung malunggay capsule then more on masabaw na food and eat food that can boost breastmilk 😊

More on sabaw mommy tapos padede lang ng padede kahit sa una akala mo walang nalabas. Ganyan din ako pero mag 2yrs dumede sakin first born ko. Pinatigil lang ni ob gawa preggy na ulit ako

Natalac 2x a day, hot milo, m2 with calamansi for cold drinks if mag crave ka sa cold drink. Also gawin regular ang pag pump para tuloy tuloy ang supply.

same mhie.. di pinalad magkaron ng malaking dibdib. pero gusto ko marami sana gatas ko paglabas ni baby para breastmilk lang sapat na sa kanya. πŸ₯°

hydration is the key mommy, drink a lot of water before and after breastfeeding.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles