Just sharing.. maiba naman... Thankful sa biyenan! ☺️

Hindi nman lahat ng biyenan eh kontrabida sa buhay natin... Thankful ako sa biyenan ko kasi sobrang equal nya sa lahat ng anak nya.. pati sa mga apo. Lagi syang naka suporta and maasahan pag kailangan ng tulong. Nag sisimula pa lang kaming mag asawa nag hanap kami ng apartment nung nakahanap kami di na kami namroblema sa 1month advance and 2 mos deposit sinagot na ng parents ni hubby. And maging sa gamit ng baby ko.. halos ung barubaruan lang ang nabili ko the rest galing sa kanila pati mga crib and rocker. And hindi tlga nag sabi ung hubby ko na ibili nila si baby nag chat nalang samin na wag na kmi bumili kasi binili nya na ng gamit si baby.. sobrang laking tulong dahil ang mamahal din ng gamit ng baby sobrang pinag iisipan ko muna bago bumili. Hindi nman sobrang yaman ng parents ni hubby pero malakas pa and may work kaya natutulungan kami. Currently 39 weeks and 2days na ako no sign of labor pa din.. ako po ung nag positive sa Covid and nag hohope na mag negative na ako next swab. Ang sarap lang sa feeling despite lang ng mga negative na nangyayari sakin napapagaan ung loob ko nung nareceive ko mga pinamili nila.. #1stimemom

Just sharing.. maiba naman... 
Thankful sa biyenan! ☺️
56 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Galing naman... Saken naman ako lahat nag bumili ng gamit ng anak ko since nung nalaman ko n buntis ako never akong humingi ng Pera sa asawa ako.. Kahit sa pag papa check up ko never din ako ng expect sa tulong na mabibigay ng kahit na sino.. My husband and I my sarili king ipon na Pera....pero ako Ata ung asawa na never nanghingi ng Pera ng asawa ko sa totoo lng ako pa ang lahat ng gumagastos sa bahay ang mister ko never Yan n nag abot.. Pero never din ako mag reklamo.. Di nmn ako Mayaman Pero nung habang may work ako nagsumikap talaga ako makapag ipon Para sa future and luckily biniyaan kmi ng baby 22 weeks pregnant n si ako.. And I already resign.. Kaya both kmi ng asawa ko wala ng work.. Pero salamat sa Diyos dahil may sapat na ipon ako na nkalaan Para sa future ng baby ko.. Just sharing Lang mamga mamsh. ❤️

Magbasa pa

Sana all. Haha Byenan ko ni moral support wala ako natanggap.. Naki usap kami na baka pwede sya mag alaga sa baby ko para makapag work ako tas sasahuran namin sya. Binigyan pa namin sya ng pera nung pumunta kmi sa kanila pero sabi nya after 2 weeks pa raw sya pwede, then ng follow up kami kung pwede na ba ang dami na nyang excuses kaya give up na ko ayaw nya talaga mag alaga sa apo nya. Kaya ayun ito SAHM lang ako at palamunin ng asawa ko.. Pero ok naman kasi supportive ang asawa ko sakin di naman big deal sa kanya na wala akong work, it's just mom guilt is killing me. Kaya naisip ko kahit piso di na makakatanggap samin yang byenan ko mula samin.

Magbasa pa
4y ago

di obligasyon ng biyenan mo alagaan anak mo. magpasalamat ka pa nga you can stay at home to look after your child at kaya kayong suportahan ng asawa mo. hanap ka ibang magaalaga kung di mo gustong maging SAHM. sus

Same here po. Sobrang swerte ko sa byenan ko. 5 months pa lang si baby sa tummy ko binigyan kami ng 10k pambili daw ng mga gamit ni baby. Then nung kabuwanan ko na binilhan naman kami ng crib. After delivery, another 10k ulit (kasi wala naman kaming ginastos sa hospital. Nacover lahat ng Philhealth ko) para daw kay samin and ngayong 3 weeks ni baby binilhan naman sya ng stroller. Sobrang supportive and generous nila. May kaya din kasi family ni hubby and 1st apo kasi ang baby namin kaya siguro ganun 😊

Magbasa pa

me too. super swerte sa byenan lalo na sa mga brothers and sister inlaw ko :) kinasal kami ni piso walang ginastos gastos sa side ng family ni hubby dahil pandemic nawalan sia ng work. pati rings namen pamana ng parents nia. nagiisa lang kapatid na babae ng asawa ko but sobrang bait. Andami ng gamit ni baby na magagamit nia pag medyo lumaki na sia. sa family ko naman halos andami din nila binili para sa apo dahil first apo. I must say na lucky ako pareho sa family namen.

Magbasa pa

Good to hear😊 may mga in-laws talga na hulog ng langit.. minsan naman, ang pagkakaroon ng ng mabuting in-laws eh hindi basta basta nakikita. Binubuild po ang magandang relationship with them.. as MANUGANG, maganda rin na sa atin magsimula ang mabuting pkikitungo then hindi sayang yung effort kpag nakapalagayan mo na ng loob.. ang key lang naman, ituring mo silang parang tunay mo na ring magulang..

Magbasa pa

Sana lahat ng in laws maaasahan. Ako mama ko tumutulong sa amin. Hindi na nga sila nagbibigay humihingi pa tsk. Lalo na hirap rin kami kasi on medication ako dahil short cervix. Nakakapanghina lang minsan. Ni pisong duling wala e. Naduling na lang ako kakaisip hahaha. Well bahala na sila. Sa susunod kapag may nasabi silang hindi maganda magkikita nlng kami sa huli.

Magbasa pa

Sana all ganyn beyanan 🙄 buti nalang anjan mga kapatid ko kahit papano nagbibigay pambili gamit ni baby ko. naiinis lang ako kc buntis na nga. mga panahon hindi pa ko buntis halos binibigyan ko cla pag umuowe kami sa side ng asawa ko .samantalang sa side ko hindi ako mkabigay nung may work pa ko. felling ko kc mukha pera beyanan ko. 🙄🙄

Magbasa pa

Sana all . ako nga Yung buenan ko di manlang magawang kamustahin kalagayan ko e 🙄 di manlang ngtatanong Kung may mga gamit nabang nabili , tapos nanghihingi pa sa Asawa ko NG pera e Alam Naman nilng buntis ako 😑 . dikonga Alam Kung tutulungan nila kami pag sa oras na mngank nako dahil walang ipon Asawa ko dahil sa pandemya nato.

Magbasa pa

same as well with my mother in law super supportive nya even though ambabata pa namen to have a child and yung ibang gamit sya talaga bibili but then kami naman sa clothes super advance den kase may crib na agad at walker well that's how lucky we are to have a good mother in law😊❤️

Naks. Congrats mamsh, at isang malaking SANA ALL. Sana all ganyan ang byenan. Yung akin kasi dagdag pa silang ginagastosan ng asawa ko eeh. 😩🙄 Anyways, praying for you mamsh na sana mag negative kana sa susunod na swab mo at makaraos kana. Godbless! 🙌💕