Just sharing.. maiba naman... Thankful sa biyenan! ☺️
Hindi nman lahat ng biyenan eh kontrabida sa buhay natin... Thankful ako sa biyenan ko kasi sobrang equal nya sa lahat ng anak nya.. pati sa mga apo. Lagi syang naka suporta and maasahan pag kailangan ng tulong. Nag sisimula pa lang kaming mag asawa nag hanap kami ng apartment nung nakahanap kami di na kami namroblema sa 1month advance and 2 mos deposit sinagot na ng parents ni hubby. And maging sa gamit ng baby ko.. halos ung barubaruan lang ang nabili ko the rest galing sa kanila pati mga crib and rocker. And hindi tlga nag sabi ung hubby ko na ibili nila si baby nag chat nalang samin na wag na kmi bumili kasi binili nya na ng gamit si baby.. sobrang laking tulong dahil ang mamahal din ng gamit ng baby sobrang pinag iisipan ko muna bago bumili. Hindi nman sobrang yaman ng parents ni hubby pero malakas pa and may work kaya natutulungan kami. Currently 39 weeks and 2days na ako no sign of labor pa din.. ako po ung nag positive sa Covid and nag hohope na mag negative na ako next swab. Ang sarap lang sa feeling despite lang ng mga negative na nangyayari sakin napapagaan ung loob ko nung nareceive ko mga pinamili nila.. #1stimemom