20 Replies
Aa for me, 13 years na kami ng asawa ko. 10 years naging kami bago nagpakasal. Oo, sweet and maeffort siya dati, yung lumuluwas pa siya ng Manila para makita ko kasi from Cavite pa siya although alam ko naman na hindi talaga siya expressive at clingy. Mejo nagbago siya pero I think it has something to do with our marriage and age. Halos sabay na kasi kami tumanda na parang minsan pakiramdam ko, magkapatid na lang kami eh pero ayos lang. Bihira na kami magusap ng sweet nothings halos lahat practical at may sense na lang hehe nagkakatawanan at biruan pa rin naman, not all the time seryoso. Masaya naman ako aa ganung setup since ayaw ko din naman ng masyado clingy at posessive na lalaki.
Ganun talaga sis. Nung mag bf/gf pa lang kayo, super sweet sa isa't isa. Syempre parang pakitang gilas. Diba nga sis, saka lang natin malalaman ang tunay na ugali ng isa't isa kapag nagsama o nagpakasal na. As long naman na di kayo masyadong nag-aaway at nandyan pa rin ung sweetness and most importantly, di sya nagloloko. For now, 7 years na kaming nagsasama ng hubby ko. Salitan kami ng pagka-clingy. Hehe at love nya ako anuman ang maging katawan ko. (Ayaw nya akong magpasexy eh). Try to talk to him in a nice way na lang sis. 😇😘
Hi mamsh! Kami ng partner ko mag 2 yrs palang diz coming May...Saamin tanggap ko na may nagbago hindi ganun kasaya tulad ng umpisa, pero i think dala din ng pagiging Preggy ko now kung bakit super paranoid and emotional ako na bakit ganto bakit ganyan...pero at the end of the day may pagkakataon naman na bumabalik yung saya, HINDI NGA LANG LAGING MASAYA.😥 Pero na kasi live-in kami kaya baka hindi na ganun katulad dati, kasi dati every 2 weeks lang kami nagkikita.😁
Alam mo po oo mahal nila tau lalo na sa unang pagsasama ganun tlga un kc una eh andun lahat ng masasaya ngbabago po tlga iyan depende sa ngyayari na sa buhay natin ..ngyon sabi mo ang taba muna ndi tau perpekto mdami isda sa dagat at iba ibang klase oo mahal nya tau pero mdami din sya nakikita kung aq sau mommy baguhin mo srili mo asa sau yan ngpapabaya kna ata eh aq kc auq ng mataba nkaka down sa srili yun lalo na sa mga lalaki qng ngbago sya ngbago ka din un lang un😊👍🏻
ganyan tlg sis.. ganyan dn partner ko nung bago palang kami super maeffort nung nanganak na ko lagi na kami nag aaway kahit nung buntis ako pero d naman tumatagal ung away namin.. nagsasalita dn sya masakit pero lam na nya pag d ko sya pinapansin sya dn susuko.. saka mahal pa rin nya ako sabi nya ah.. mainam usap lang kayo ni mister mo lahat naman nadadaan sa usap, ganyan tlg expect mo na may nagbabago tlg
Pregnant ka po ba ngayon mommy? Kasi kung pregnant ka, dala yan ng pagbubuntis. Ganyan dn ako e ung tipong maliit na bagay napapansin ko,masyado akong sensitive. Wc is hndi naman ako gnyan dati. Masyado dn akong selosa, ung tipong wala namang basehan para magselos.pra akong baliw. Ni hindi ko na dn maintindihan ung sarili ko. Lagi ako umiiyak nun. Yun pala huli ko na nlaman buntis pala ako. Hahah
Sa una Lang sweet lalaki ung asikaso asikaso ka pero habang tumatagal nag babago kc gusto nila cla na aasikasuhin lalambingin kukulitin kahit asar na sya pag lalambing pag Hug mo pagyakap mo habang nanood TV habang ng cp wag ka mapipikon maasar pag nagsusungit.. Atleast nardaman nya halaga nya.. Lalo na sya lagi pagod tas lagi lang ikaw bahay...
expect mo na ung mga ganyang eksena sis kase magkasama na kayo s iisang bubong, 24/7 na kayo magkasama kaya malalaman mo na yung mga ugali nia na di mo pa nlalaman. nsasayo nlang kung mag stay ka sknya after mo makita ang mga flaws nia pero diba nga sabe mo kung mahal mo ang isang tao kahit ano pa yan mahal mo yan :)
Usap kayo mamsh, mag asawa kayo, dapat lahat pinag uusapan nio, tulad ko at ng partner ko, kahit walang kakwenta kwenta pinag uusapan namin, dati nafeel kodin ganyan sya, pero tinanong ko sya, may problema lang pala sya, pero bumalik din sya sa dati,
Naeexperience ko din yan. Yung feeling na nag iba na siya simula nung naging kami. Best way is communication. Mag usap kayo kung ano problema. Wala namang hindi nadadaan sa magandang usapan at open communication.
Anonymous