Okay lang ba na hindi magkaroon ng anak?
Moms, dads, okay lang ba na hindi magkaroon ng anak? Comment your thoughts!


Masaya din naman nung wala pang anak, nagagawa lahat ng gusto, nakakapunta sa mga gusto puntahan, nabibili ung mga wants and so on, masaya na ako noon na may asawa kahit walang anak kasi sa hirap ng pinagdaanan ko in trying to conceive halos nawalan na ako ng pag-asa so tanggap na namin na bka dalawa nlng kami habang buhay, minsan nalulungkot lng pag nakakakita ng couples na may babies. So un tinigil ko na lahat ng mga therapies ko para magconceive, pati mga vitamins ko sabi ko stop na, tiwala nlng sa Panginoon sa lahat ng plano nya para sa amin. Unexpectedly, we were so suprised nung bglang nagpositive ung pregnancy test ko halos di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na may halong kaba at takot pero ngaun naramdaman ko na iba rin pala pag may anak, kakaibang fulfillment at saya para sa aming mag-asawa. Napakalaking responsibilidad, oo, madaming dapat baguhin sa lifestyle kompara nung wala pang anak pero napakaworth it naman lahat. Sa lahat ng katulad ko na ilang years na ring nagtry magconceive, tiwala lang sa Diyos kung ano man ang plano nya para sa atin, buong puso nating tanggapin. Kung meron man o wala xiang ibibigay sa atin, un ay dahil alam ng Panginoon ang makakabuti sa atin. Having no children doesn't make u less of a woman and having children doesn't mean that u are more capable than others. Being a woman is already a blessing from God because we have so much love to give not only to our husbands or partners but to the people around us.🥰🙏
Magbasa pa