Mommy Debates

Hindi lahat ay kayang mag-breasfeed nang matagal na panahon. So para sa'yo, hanggang ilang buwan dapat ma-breastfeed si baby? Ano'ng minimum na haba?

Mommy Debates
142 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

atleast 2 years old. and di po totoo na hindi lahat kayang magproduce ng milk. kaya nga may pump and food na nakakapagincrease ng milk. kung anu pong need ng baby nyo ganun din po yung ipoproduce ng katawan nyo. sipag lang po sa pagpapump and pagpapalutch kay baby kahit po walang lumalabas magkakarun po yan. after ko manganak wala talaga akong gatas. nagtyaga ako ng pumping ang latching kahit walang nakukuwa. im currently 2 months post partum and mapupuno ko na yung na ng stash yung freezer namin. hehehe madami na milk si baby bago ako bumalik sa work.

Magbasa pa

For me, as long as na meron, Momsh, go lang. Iba pa rin kasi ang nutrients na meron ang gatas ng ina kesa sa formula. Not despising those formula milks, pero alam naman ng lahat na that is just a fact. Also, sobrang laking tipid na di ka muna bumibili ng mga formula kasi di ba, legit na ang mamahal na. If pwede mo namang ipunin nalang muna yung ipambibili mo ng gatas para sa mga future needs nyo pa ni baby.

Magbasa pa
VIP Member

18 months exclusively one-sided breastfeed and counting. 😅 One sided kasi ayaw nya talaga sa right breast ko. Ayaw uminom ng ibang gatas. Tubig at dede lang. Nakakapagod na kasi iikot ikot hanggang sa yung paa nasa mukha ko na, amba sa dibdib mo at ang bigat pero keep on boobing parin kami hanggat kaya at hanggat may gatas. 😊

Magbasa pa
Post reply image

Si lip ko nagpupumilit na pure bf si baby kaya di pa ako nagwowork. Sabi niya hanggat gusto pa dumede padedehin ko lang daw. Buti pwede ako magwork kahit sa bahay lang kaya magwowork na lang ako kapag di na demanding sa gatas si baby. Ilang months po kaya magiging more than 6 hours ang interval ng pagdede?

Magbasa pa

yung pangalawa ko 2 yrs old na mahigit nadede pa , tas buntis pa ko sa pangatlo ko .. hayssss hirap awatin , feeling ko matutuyot ako 😅😅😅 , ayaw Kasi dumede sa bote .. Kung ano ano na ginagawa ko tumigil lang .. Kaso ayaw pa tumigil

hanggang 6months kze pde na siya mapakain ng mga smashed o blended fruit and veggies kaya may pang alternate na sa dede.. pero upto 2years nga dapat nagpapa breastfeed dapat, kaso wala nman tayo magagawa kung wala talaga gatas na si mommy.

ako hanggang 2 years lang ako nagpa bf sa dalawang anak ko kasi kailangan ko din magtrabaho. sa ngayon naman baka hangaat kaya e magpabf na lang muna kase malakiing tipid, 8 mos pa lang naman si baby baka after 2 years mag work ulit ako

Much better if matagal sya ma breastfeed according sa Mama ko. Pero sa sitwasyon ko na kailangan pang bumalik sa trabaho tapos malayo pa ang workplace sa bahay ay mpipilitan tlga akong e bottle feed sya. pero pag nag 5 months na cguro sya.

habang wala pang ipin si baby ..pero pag magka ipin na siya breast milk parin pero gagamit na ako ng pump at sa bottle na siya di'dede😂 masakit na kasi pag iniipit ng gums niya yung nipple ko paano pa kaya pag may ngipin na siya?AHAHAHA😂

4y ago

Same sa baby ko. Pag umaray ako tatawa pa. Pero ngaun tinuturuan ko na pag No di pwede. Papatigilin ko tlga sya sa pagdede para alam nya.

VIP Member

If minimum po.. at least 6months. Kung maximum naman, kung hanggang kailan din mag wean si baby sa breastfeeding. My kids usually ends pagdating nila ng 3years old but others even breastfeed beyond those ages and its alright.