Is it Me or My Husband's Fault??
Hindi ko alam lagi akong may hinahanap sa asawa ko. Parang kahit anong pakikiusap ko rin sa kanya parang hindi niya alam ang gagawin at lagi na lang kailangan sabihin. Pakiramdam ko tuloy hindi niya ako kilala sa mga gusto at ayaw ko. Nararamdaman ko tuloy pilit lahat. Lahat ng efforts at pakikipagusap lalo na kapag magaaway. Nakakalungkot kasi kailangan munang makipagpakiramdaman. Madalas din ako nangunguna makipagayos. Hindi kasi siya mahilig makipagusap at gusto papalipasin lang. Kaso madalas ng nauulit. Ano po kaya pwede kong gawin? Pakiramdam ko magtatagal na ganito. Hindi ako masaya. Gusto kong makipaghiwalay. Tama ba gagawin ko Mommies? Thanks