:(

Hindi ko alam kung emotional lang ako dahil buntis ako o traumatized na ba. Binura ko na lahat ng social media ko para hindi ako matempt na kontakin ung tatay ng anak ko. Nagtatry akong libangin yung sarili ko habang naka bed rest ako ngayon pero hindi ako makatulog. Nanunuod ako ng mga nakakatawang palabas sa youtube pero darating yung point na bigla na lang papasok sa isip ko yung mga masasakit na salita na sinabi sakin ng tatay ng anak ko. Takot na takot ako sa kalagayan ng ng baby ko. Gusto ko pigilan lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon para di sya maapektuhan pero kusa talagang tumutulo luha ko. Strong yung baby ko kahit na sa simula nung dumating sya sakin puro stress na yung nrrmdaman ko. Natatakot ako na baka isang araw, mapikon na lang sya sakin. O baka isipin nya na di ako masaya na andito sya. Sobrang hirap i-keep ng sanity ko. Ngayon di ko alam kung pano ako papasok ng trabaho sa lunes lalo na't posibleng makita ko uli ung tatay nya dahil nasa iisang kumpanya lang kami. Pero kailangan. Bawal ako mag resign at ako lang ang inaasahan ng mag lola ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Surrender mo lahat ng burden mo kay God. Malalampasan mo rin yan. Pray ka lang lagi