24 Replies

Huwag mong isipin na sana makunan ka..sana bago ka nakipagsex sa kanya dapat inisip mo rin ang consequences..yan ang hirap sa atin minsan...ang gusto natin sarap lang pero kapag nasa punto na tayo ay binigyan ng responsibilidad eh wala tayong pakialam. May buhay sa loob ng tyan mo at karapatan niya rin mabuhay.huwag mong ipagkait ang karapatan niyang mabuhay na binigay sa kanya ng Dios dahil kapag yan pinalaglag mo ay para ka na rin pumatay ng tao na kung saan ang Dios ang nagbigay nito.

Parehas tayo ng thinking, sis. Ganyan din ako nun dahil di ko naman mahal yung bf ko nun at 1 wk pa lang kami nagsasama, binuntis na nya ako para daw walang kawala. Pero maling mali na isisi sa baby yung sitwasyon nyo ni partner. Alagaan mo ang physical at mental health mo para kay baby. Kung hindi na talaga kayo magkasundo ni partner mo, pagusapan nyo na lang ng mabuti ang obligasyon nyong dalawa sa baby bilang magulang. Pero kung kaya nyo pa ayusin, ayusin sana.. para may happy family si baby.

Pwede mo naman siyang iwanan anytime eh, di mo need idamay yung baby mo. Kung toxic relationship mo sa partner mo then by all means iwanan mo na and save yourself and your baby from further misery but please mommy don't see your baby as a hindrance para makasurvive ka ng maayos if ever na iwanan mo na nga yung partner mo. You've gained not just a baby but also a forever kakampi as well. Pray momsh for enlightenment and guidance. Wag pong papadala sa emotion para di macloud yung judgement 🙏

Hindi po tama na pag isipan mo ng masama baby mo... kung hindi pa kayo kasal at hindi talaga kayo magkasundo pwede mo namn po siyang iwan pero syempre may emotional attachment ka na sa kanya at malamang mahihirapan ka mag umpisa ulit.. kakayanin mo naman siguro makipaghiwalay kung yun tlaga tingin mong nararapat.. kung ano man problema nyo sa pagsasama nyo, marapag na wag ng idamay ang bata..

VIP Member

Sis naiintindihan kita. May mga misunderstanding lang kau ni partner pero hnd din nmn tama na pati ung baby madadamay sa problema nyo. Blessing yan hindi lahat nag kkaanak tska balang araw yan batang din yan ang mag mmhl sau ng totoo, mag aalaga at di ka iiwan. Kaya momsh wag kang gagawa ng bagay na ikakasisi mo din sa huli. Pag pray mo lng momsh.

Wagma mag isip ng ganyan momsh. Kung ano nararamdaman mo yun din nararamdaman ni baby. Dasal ka lang. Oo mahirap yung ganyan lalo na pag buntis sobrang ma emosyon. Dasal lang po. Malalagpasan mo din yan. Ako din kasi naisip ko non na sana di nalang ako nabuntis pero nagsorry ako kay baby at binago ko mindset ko. Inisip ko nalang si baby. ❤️

Pwede naisip mo yan dahil emosyonal talaga mga buntis pero please, accept the baby. blessing po yan. marami ang hinahangad magkaanak pero di biniyayaan at isa ka sa mapalad na nagkaanak. Everything has its own reason and in God's will. We should embrace it. Tatagan mo po loob mo. Girl power !! 💙

uyy wag... dami dami gusto magkababy ehh, tapos hinihiling mo makunan ka nlang.. misunderstanding lng yan, kayang kaya pa maayos yan... pero kung ndi tlaga, edi layasan mo na.. wag mo idamay si baby 👶🏻 masarap sa feeling ang may baby ka.. blessing yan ni lord sayo 😊

Pwede ka naman umalis anytime. Tandaan, hindi hawak ng partner natin ang buhay natin. Instead of thinking negatively, try mo isipin ano pwede mong gawin para sa baby mo. Gawin mo siyang inspiration dahil blessing lagi ang baby. Ang partner napapalitan, ang anak hindi.

Take it as a blessing..magpakatatag ka para kay baby, ang partner mo anytime pwede yang palitan pero ang baby mo hindi. Kaya ingatan m yan..mahirap sa umpisa pero kaya mo yan walang problema na di nalalampasan samahan m lng ng prayers.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles