How not to be clingy and needy?

Hindi ba talaga normal yung pagiging clingy and needy? First time mom ako and gave birth 7 mos ago and mula nong nalaman kong buntis ako until now e naging strikto na ko kay bf, nging clingy and super needy like pinagbabawalan ko syang lumabas nang hindi ako kasama, ayokong nalelate sya umuwi galing work and ayoko yung may binibili syang gamit na hindi naman namin magagamit ni baby. Kasi nandon yung insecurities ko na hindi ako nakakalabas ng bahay pag di kasama si baby kasi EBF sya, and hindi ko nagagawa mag night out and yung hindi ko nabibili gusto ko kasi walang wala talaga akong pera, and wala akong ibang nakakausap kundi bf ko lang. Thats why ayoko syang nakikisama sya sa iba kasi super nagseselos ako. Any advice on how not to be a toxic partner? And pano maging kalmado pag gustong gusto ko na mag hysterical??

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry to ask ha, how young are you? Kami kasi ni hubby, bago nagkababy, nagsawa na kami sa nightlife, gala, out of town, ride, hang out with friends, etc. Kaya noong may baby na, pabor sa akin ang magstay muna sa bahay. Hindi ko hinahanap ang gala, especially ride (motorcycle rider ako) kasi tapos na kami sa stage na yun. Kaya nayakap namin ng masaya at walang insecurities ang buhay parents. 5mos na si baby pero masaya kami kahit kaming dalawa ang nagala sa mall, EBF. 😉 Kung nahihirapan ka sa damit mo, may magagandang nursing tops and dress hanap ka lang sa fb and shopee/lazada.

Magbasa pa
6y ago

30 ako, 26 hubby ko. Ang maturity wala po talaga sa edad. I guess madadaan sya sa magandang usapan.