86 Replies

VIP Member

meron ako naririnig na may pamahiin daw.. kesyo nag sulian ng kandila. mawawalan ng bisa ung pag ninong.ninang sa nauna. which is i find it illogical there is no such thing as sulian ng kandila or bisa thing. d naman po gamot ung pag sponsor sa binyag pRa mawalan ng bisa. hehehe if you have gone into seminars ng binyag or even sa ceremony sinasabi ng pari ang lohika ng pag sponsor it is the responsibilities passed on from biological parents in case they are not capable like sa pag aalaga, pagtuturo or pag disiplina ss bata na ayon sa pamantayan ng simbahan at dios. kaya nga po advise din na if kukuha ng sponsor yung kapareho din ng pananampalataya. 😊

Bawal siguro sa iba, pero kanya-kanya naman ng beliefs yan. One of the pamihiin yan for sure. Madami din sa mga friends and colleagues ko ang ganyan, palitan lang ng inaanak kasi sila-sila din lang naman talaga ang mga close friends. Kesa kumuha ka pa ng hindi mo naman ganun ka-close, much better na ung inaanak nyo na dati ung anak ung kunin nyo din na ninang ng baby nyo. :)

Samin ng friends ko hindi uso yan. Tatlo na kaming may anak sa barkada namin, at lahat kme kinuha pa rin nmin ang isa't isa bilang ninang at ninong. kasi pinagkakatiwala nmin mga anak namin sa isat isa. Ninang and Ninong, will be the 2nd parent of your child, so kelangan kukunin mo yung talagang pagkakatiwalaan mong maging pangalawang magulang ng anak mo.

Of course not mommy. No rules when it comes to Ninong and Ninang as long as they really know their roles as second mom and dad to your baby. If they’re up for it, it’s really the parents of the baby who will make the rules. :) Sana helpful! Kasi mine is like that e. Hehe. Hope this helps

hindi.. wag ka maniwala sa solian ng kandila. ang kinukuhang ninong at ninang ung pinagkakatiwalaan mo na alam mo aalagaan anak mo pag namatay ka na o pwede mo pag iwanan kapag aalis ka, ganun un.. ung solian ng kandila na sinasabi, solian ng regalo un 🤣 kasi di ba uso sa pinoy yung ang tingin sa ninong at ninang 🤑 no offense ah

Pmahiin lang po iyan. Ang essence po ng pag kuha ng ninong at ninang ay para magampanan ang role ng tunay na magulang in case na wala kayo. If able naman yung tao na tumayong pangalawang magulang na handang umalalay sa pagpapalaki ng bata ay highly qualified sya maging sino pa man sya,

hi bago lang Po Ako dito.hinde namn Po bawal KC Yung Tito ko nga Po eh tatlo na Po Ang anak pero Yung mga ninong at ninang Po Ng anak nya parehas lang Po Sila at ganun din Po Yung ninang at ninong nila ninong din Po Yung Tito sa mga anak nila ede solid Po Yung pag kumpare nila thanks po

Hnd po un totoo.. ang twag po dun eh.. kumpareng buo.. ung ninong qo inaanak qo pa nga sa binyag at ksal qo. Ganun rin ung anak nia.. inaanak ng tatay qo sa binyag at ksal rin.. super close silang magkumpare. Gnun rn kmi ng kinakapatid qo. 😁

Ang pagiging ninong ninang is not about gifts naman po. kinuha mo po sila para gumabay bilang pangalawang magulang sa anak mo. hindi importante kung ninang ka rin ng anak nila. ang importante po ay pinagkatiwalaan niyo ang isat isa para sa inyong mga anak :)

nasa sayo yon kung maniniwala ka sa paniniwala, ako kasi hindi ano ba masama don? diba ang ninang parang magiging pangalawang nanay ng anak mo. if someone volunteer kahit inaanak na niya anak mo. diba ansarap sa feeling na gusto niya maging inaanak anak mo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles