Positive sa PT pero walang laman sa Ultrasound

Helping my Friend... mga momies tingin nio may posibility ba talaga na positive sa PT pero walang makita sa ultrasound? sabi kc daw ng OB kelangan ng i raspa kc wala nman laman kht 2times na positive sa PT... malalason daw pag hindi niraspa.. thank u po

Positive sa PT pero walang laman sa Ultrasound
50 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan yung akin.. anembryonic pregnancy.. d sya nabuo kaya niraspa din ako.. Nung 6wks, nagpa tvs ako, 5wks plang daw sya by size. Nung pang 8wks ko na, nag pa tvs ako ulit pero sabi nasa 7wks plang by size.. tapos nung next ultrasound ko, naging 6wks by size.. kaya sabi anembryonic pregnancy sya kc hindi siya nagpaprogress tska wala pa din tlga syang laman.. Last may 11 niraspa na ako.. Dpat pang 17wks na sana sya.. Ang weird lng.. nag pt ako ulit ngaun, may 23, positive pa rin ung result.. though wala kaming contact mula ng naraspa ako.

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

Hello sis ganyan ung nangyari sa akin, ang taas ng hcg lvl ko cguro nasa mga 13000 after ng raspa. Pina biopsy ko ang mga nakuha sa akin kac ramdam ko na baka HMole un or bligthed ovum. And tama nga ako, HMole nga ang result. So need ko ma chemothrapy para bumaba ung hcg ko. If ilang weeks ganyan pa rin positive ang pt mo, magpa hcg lvl test ka sis. Delikado din kac kapag di bumaba ung hcg lvl pwedeng mag stage 4 maapektuhan ung lungs mahihirapan ka ng huminga.