Pagdapa

Help po. 4 months na ang baby ko pero hindi pa din dumadapa paano po kaya ang kailangan kong gawin ?

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

5 months na halos natutong dumapa ang baby ko, pero nung 3months sya umaakmang dumapa pero di pa kaya, pero nung pinalitan namin higaan namin naging maluwag saka lang sya halos naka bwelo, ayun ako na minsan nagsasawa sa kaka dapa nya, kasi kahit tulog gusto nakadapa

ok lng po yan momsh matututo dn po yan.. lagay lng po kayo mga toys sa paligid nya tas play2 lng po kayo lagi aabutin nya mga toys matututo dn yan. anak ko sakto 3months kaya na nya kakakausap ko sa kanya ang laro ayun lagi hyper lagi nag papapadyak paa tas tawa..

VIP Member

Si lo nga 5 months na di parin nadapa o natayo eh, ayaw niya kasing dinadapa siya buti nga ngayon nakakatulog na siya ng nakatagilid, dati ayaw niyang tinatagilid siya. Pero okay lang yan mamsh, wag po natin masiyadong madaliin si baby dahil iba iba po sila.

Mommy d dapat madaliin si baby 4months old pang siya normal nman pag dapa baby 5-6months Anak ko 4months medyo hirap din siya sa pagdapa kasi sanay nman siya lagi nakatagilid hinahayaan ko lang matututo din yan dumapa si baby. Magulat ka nlang kita mo😊

wait ka lang mommy iba iba naman po kasi ang development stage ng babies :) more tummy time lang para mas mastrengthen yung muscles nya. si baby ko mag 6 months na halos natuto dumapa mag isa :)

Okay lng yan. Baby ko nga 2 weeks natutu dumapa tapos nun tinamad na ayaw na😂 tamad din gumapang, pero tumatakbo na sya pag asa walker 7 months old sya now. Don't worry momshie. I feel you.

Ung first baby ko mommy di tlga sia dumapa gapang na agad sia ako pa kusa nag dadapa sa knia ksi di nia kaya idapa sarili nia ksi sobrang taba nia nung mga nasa 4 to 5 months sia

VIP Member

Normal lang po as long as bibo c baby baka d nya pa kaya dahl mbgat katawan nya same din sa baby ko 6mons na sya nung dumapa 😅

Wag mo po apurahin si baby hehe. Dadapa na po yan if kaya nya na po katawan nya. Yung lo ko before turning 5 months dumadapa na.

VIP Member

Hello po! Wag nyo po madaliin, ganyan din po anak ko noon pero for sure anytime soon dadapa na din sya. 💕