Electric Pump
Help naman po. 1st time kong gumamit ng electric pump kasi sa panganay ko di ako nasanay na magpabreastfeed. 8 years old na po pala panganay ko. Naeducate po ako bago managanak sa baby ko ngayon sa mga good benefits ng breastfeeding so gusto ko po magexclusive. Pero since konti lang lumalabas nung una, napadede ko po sya ng formula hanggang yun na magpahanggang ngayon. Pero talagang gusto ko ay magpabreastfeed kaya bumili ako ng pump para dumami supply ko. Pero ang sakit tapos 1 oz lang napump ko. Gaano ba kadalas kada araw ang magpump? Gusto ko talagang dumami ang supply ko.