HYPERTHYROIDISM

Help mga mami. 😭 3months pregnant po sa 2nd baby. Sino dito may HYPERTHYROIDISM during pregnancy? Nadiagnose kasi ako at pinagtake ng Propylthiouracil na may possible minor congenital effect daw sa baby by 1%. Natatakot ako uminom. Maaari din daw makaapekto sa liver. 😭😭 Baka may nakaexperience na sa inyo, pakienlighten naman po ako.

HYPERTHYROIDISM
8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ENT ba ang nagreseta? tinanong mo ba kung safe ba sa buntis? pinapabalik ako sa OB after ma-refer sa ENT doctor. para aware OB ko at alam anong next na gagawin. ako na lumabas na si baby pero breastfeeding, maingat ako sa nireresetang gamot. sinigurado ko sa doctor kung safe ba sa buntis ung gamot. then, pumupunta ako sa OB para alam nia. kapag hindi safe, pinalitan nia ung gamot ko. pwede kaung pumunta sa OB para aware sia sa iniinom mo. maeexplain din ni OB para mapanatag kau.

Magbasa pa

take mo po.. kya ka pinapainom nya para safe c baby. . mas di magiging ok c baby pag hahayaan mo lang at d ka iinom ng gamot.. wala po binbgay ang doctor na ikapapahamak ng baby natin . madami aq kilala na hyper rin pero ok naman cla lahat at healthy baby nila,isa na dun ung bestfriend q.. bsta sundin lng mga gamot and lagi monitor ang laboratory.

Magbasa pa

Same case po tayo, nung 3 months ako mag start uminom ng ptu pero yung sakin once a day lang sya. And yung ob ko ang nag recommend ng ent ko. So far okay naman sya. Basta lahat ng sinabi ng ent sabihin mo din sa ob mo just to make sure na yung gamot e okay kay baby 😊

If di nastabilize ang thyroid hormone mo, that may result to pregnancy loss.. so take your medicine po. lahat ng iniinom kung di ito vutamins may adverse effects talaga. nagweigh ang OB mo between sa 1% possible defect or pregnancy loss. your take. you decide po.

Magbasa pa

wala naman side effect kay baby mas mahirap mag palpitate habang buntis ka di lang sarili mo nasa risk pati ang bata, di nmn ibibigay yang kung bawal at makakasama. nagpunta pako sa specialist sa thyroid at pinacontinue lang nila ung gamutan ko

Hayan din po pinainom SA akin. imo2nitor Naman po tsh, ft3 at ft4 nyo and according po Naman SA internist safe po Yan. Dapat Lang talaga ipapkita mo result SA Ob and inform mo Yung Ob about your condition.

Lahat naman po ng gamot may side effects,wala po tayo magagawa jan. Kailangan niyo magtake niyan since may goiter kayo at mas lalong mapapasama si baby kapag hindi niyo sinunod doctor niyo.

Di po kayo reresetahan ng gamot kung makakasama sa baby niyo.

Related Articles