trying my best

Help me, hindi ko talaga nahuli asawa ko na may affair sya, pero di nya dinideny na yung babae mahal nya. sobrang sampal sa mukha ko. Ngayon, nagdecide kami maging ok kami pero nag hirap minsan intindihin, nararamdaman ko padin na mahal nya yung maging babae nya at mas mahal. nasaskatan ako ngayon dahil ang selfish nya. Lahat ng klaseng pag uunawa binigay ko na. ano mararamdaman mo kung halos wala ng sparks ang pagsasama ninyo, parang para nalng sa bata?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sis mag usap kayong mabuti, yung hindi magsisigawan, hindi magtatalo, at honest sa isat isa at sarili. sis, kung mahal mo talaga asawa mo, iparamdam mo sa kanya at ipaglabam mo sis. wag natin sila ipamigay, the more naparang ipinamimigay natin sila the more the aayaw sila sa atin. ganun sis. pero kung sa sarili mo eh wala ka na maramdamn na spark at ok lang sya na wala na sya sayo, then let him go.. you deserve to be happy. ako sis, pinaglaban ko asawa ko, hindi ko sya hinayaan na umuwi sa babae nya at talagang sinabi ko sa kanya na di mo ako nakuha o naging asawa ng basta basta lang. yan babae mo ba? diba sis. huwag agad bumitaw sis. seek guidance kay God. kami ng asawa ko ngayon ok na ok na kami after ng unos namin last year, parang mamatay ako sa pangyayari, pero di ko inisip sasabihin ng iba pinaglaban ko talaga pagmamahal ko at di ako nagsisi na pinatawad ko sya at ipinaglaban ko. Believe in the power of pagpapatawad at pagpapakumbaba😊 God bless you sis.

Magbasa pa
7y ago

Always be kinder than you feel. Sabi nga sakin nung psychiatrist na pinagconsultanhan ko. Mas ipakita mong, iba ka sa babae niya. Mas maging mabait ka, mas pakita mong kahit ganun, kaya mo siyang patawarin at tanggapin. Minsan kasi dun mas naliliwanagan yung mga lalaki. Mas maging strong ka, isipin mong sa phase na piangdadaanan niya, ikaw mas kailangan niya. Pagsilbihan mo siya, pakita mo lang kung gano mo siya kamahal. Ipakita mo kung ano yung mawawala sakanya pagpinili niya yung isa. Pray ka po. Or you can seek counselling sa church niyo.