Sleeping trouble with my 2months baby
Help! My baby is 2 months old now and hindi sya nakakatulog sa gabi..like gising sya from 8pm to 6 onwards in the morning. Grabeh ang puyatan namin sa kanya..is it normal lang ba? Nakaranas din ba kayo nang ganyan sa baby nyo? Naging ok din ba sleeping pattern ni baby sa mga next months nya? Any tips po or advice.thank you

Hello po. SKL experience ko. Baby ko nuon turning 2 months nung nagbago sleep pattern niya. By 8pm gising siya at ang pinaka late niyang tulog 1am. At first pinipilit ko siyang patulugin, kasi sanay ako na natutulog lang siya lagi. Then I realize na baka hindi pa siya inaantok at yun yung active times niya (8pm onwards) Kaya ginawa ko hindi ko na siya pinipilit matulog at hindi ko siya pinapadede hanggang sa makatulog, ine-entertain ko na lang siya hanggang antukin siya. Isinasayaw ko habang kinakarga, kinakantahan, inilalakad (sa paligid ng kwarto lang), kinakausap, or nilalaro (that tine medyo nakakakita na siya, yung rattle toy shineshake ko sa harap niya at sinusundan niya ng tingin). Tapos nag set din ako ng morning at night routine. Tapos kapag umaga, hinahayaan ko siya matulog ng maliwanag (bukas yung kurtina para maliwanag) tapos sa gabi natutulog siya dim light. Kasi daw as early as possible daw dapat i-introduce na sakanila ang day and night. Para pag night time alam na nila na ito ng oras ng tulog (rest) at umaga oras ng gising (play). By 2 months (or 2m 1/2) mag start na siyang antukin ng 8pm. At nung mga 3 months earliest na sleep niya 7 pm. Hanggang ngayon 8 months na siya, wala kaming pagod&puyat kasi pinaka late niyang sleep 10 pm lang.
Magbasa pa

