Pag lilihi
Helo po kaylan kaya mag stop ang pag lilihi 12 weeks and 2 days nako parang lalo syang lumala 😭 gusto kona matapos kasi hirap na hirap na ako ayoko sa lahat ng pag kain lahat sinusuka ko laging masama pakiramdam ko tapos pag d kumilos dito sa bahay kung ano sasabihin nv byenan Kong lalaki palibhasa d nya nararamdaman ung mga nararamdaman Kong pag hihirap 😭medyo nagaan labg pakiramdam ko pag andto asawa ko kasi pag andto sya saka lang ako biglang may crinacrave 😭 kadalasan wala akong gana pag pinilit ko naman sinusuka ko ang hirap 😭

bakit ganon yung ibang mga byenan ? hindi ko nilalahat kasi hindi naman ganyan ang mga byenan ko. para bang hindi nila pinagdaanan yung ganyan, yung asawang nyang babae sa tanang buhay ba nya, hindi nya nakitang humilata dahil sa sama ng pakiramdam? nakakainis ah. kain ka lang kahit sinusuka mo saka tandaan mo yung mga pagkain na nagpapagaan ng pakiramdam mo, yun muna ang kainin mo. inom ka ng lemon juice. nung nasa ganyang stage ako, malamig na tubig ang nagpapabuti sa pakiramdam ko lalo pag nasusuka ako, pati na din mainit na tubig pag masakit naman ang sikmura ko. saka pag pinaringgan ka ulit ipaunawa mo lang ng mabuti na masama ang pakiramdam mo, kung hindi pa rin maunawaan ng byenan mo yun, eh problema nya na yun.
Magbasa pa

