10 Replies

mahirap talaga lalo na wala ka naman ibang aasahan dapat kundi ang asawa mo lang ganyan din ako yung asawa ko naman walang trabho tas minsan nag kaka pera sya hindi manlang marunong mag kusa minsan naiiyak nalang ako kaya ang ginawa ko humanap ako ng pag kakaperahan ko ayun unti unti nakaipon ako ng gamit ni baby ng ako lang mag isa minsan kasi wala ka ng ibang aasahan kundi sarili mo nalang din Im 35weeks pregnant ang iniisip ko naman saan kame kukuha ng pera pambayad sa panganganak ko😅

sa public hospital dito saamin hindi ka tatanggapin pag hindi ka nag papa checkup dadalin kapa sa malayong lugar sa lying in 7k naman.

Mommy hindi ka po ba pwedeng dun muna sa magulang mo? Para may nagaalaga din sayo tapos manganganak ka na din eh. Atleast doon may magsusupport sayo and for sure yung mga kapatid mo na may mga babies na pwede nila pagtulungan yung gamit ni baby. Kung hihintayin mo kasi yung asawa mo eh mukhang di naman kayo ang priority niya e. Pasundo ka po muna sa kapatid mo or magulang mo.

Dapat po talaga kahit paunti unti nakakabili na kayo kahit mga kailangan manlang. Kasi paano kung bigla kang manganak? Pakiusapan mo rin po si hubby. Try mo po magtingin sa shoppee or lazada may newborn set sila. Kahit pinaka basic lang muna mabili nyo, kasi kailangan pa yan labhan e.

yan nga winoworry ko sis.. paano pag bigla ko nanganak. hayss naiinis ako nanghiram ako sa friend ko 2k nung nakaraan. 1k sana pang allowance nya yung 1k bibili ko gamit ni baby. nainis ako hiramin nya daw ung 1k kasi ibayad sa bahay nila kasi hinihulugan sa NHA. tapos ending wala na nabili di na nabalik yung pera. kainis sobra. inaaway ko sya ng inaaway na last priority anak nya kaso lalo lang ako naistress di na naaalis sakit ng ulo ko

Hinde ka nag iisa sis. Hinde naman kami gipit, pero sa ika 36 weeks pa ako mamimili. Haha! Wag ka malungkot. Kaya mo yan! Ako kase sadyang nag iintay pa ng Sale. Bibiyakin ako ika 37 week. 31 na ngaun. Wag magpapastress.

Kausapin mo asawa mo momsh. Si baby yung kawawa dapat marunong siyang mag manage ng pamilya niya at sainyo ni baby.

hays kinausap ko na sya kaso nagagalit sya . nag aaway lang kami. parang ang sama ko pa na naiinis ako na di niya malaanan anak namin.

Dapat po pag may asawa na sha uunahin na nya un aswat anak nya db dapat ganon? Kwawa naman c baby

yun nga eh kaso samen kami last priority kainis. gusto ko tully kumawala. kung may work siguro ko umalis nako. nakakainis sobra

Dpat kausapin mu si hubby mu sis .. 37 weeks kana any time pwede ka umanak

mommy kahit tig 2 pair lang muna tsaka yung receiving cloth tas pa ligo niya. Kasi 37 weeks ka na anytime pwede ka na manganak atleast may ready ka na damit

VIP Member

Kausapin nio po asawa mo mommy

VIP Member

I feel you momsh... mahirap yung ganyan. Sana makahanap ka ng puedeng mapagkakitaan na hindi ka masyadong mapapagod like online selling or tutorial service. Minsan may posting dito ng preloved na damit at gamit ng baby maybe puede din na ganun ang unti unti mong maipon. Breadwinner man si hubby sana maisip nya din na meron na syang sariling family na kailangang paglaanan.

May magagawa ka sis. Kahit pamilya nya yun. Pamilya din nya kayo. And dapat top priority kayo di yung family nya na umaasa sa kanya. And yung family naman nya dapat alam din nila yung needs mo. Ok lang naman tumulong sa family nya. Basta di kayo napapabayaan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles