Module problem

Hays. Ako lang ba yung may feeling na pasakit yung module? Ang mahirap di pa nag aaral yung anak ko namomoblema na ako sa sandamakmak na module. Bali ganito kase yan mga mamsh medyo nakakainis yung mga inlaws ko (mil and sil) may 5 bata kase lahat sila asa elementary palang tapos naghiwalay yung parents edi naiwan yung 5 sa lola at lola nila. Okay naman dati nung nag aaral sila kami pa nga nagbibigay ng baon kaso ngayon ang hirap sobra. Online class nyan yung mga elementary binibigayn ng module mga sampo tatapusin mula lunes hanggang biyernes, edi yung sumalo sa pagtuturo sa 5 yung sister-in-law ko. Eto na yung nakakainis na part binigay nya saken yung bunso na grade 1 turuan ko daw. Edi umoo ako ang kaso may baby pa ako 7 months malikot na at gumagapang kaya dapat super bantay talaga (nakabukod na kami pero magkapit-bahay lang kami hg inlaws) etong grade 1 na pamangkin di pa marunong magbasa at syempre medyo mahina pa mag catch-up yan kailanggan mo tutukan maigi sa pag tuturo, eh paano ko magagawa yun kung may inaalagaan akong batang maliit? May gawain bahay pa akong dapat tapusin. Yung dalaga unemployed sya (kakaresign lang, so kung di nagresign saken maiiwan yung lima. Hays) and wala naman ginagawa sa bahay kundi magluluto lang the rest yung lola or yung bata yung gumagawa, so sa tinggin ko kaya naman nya yung 5 turuan yung grade 1 lang naman di marunong magbasa. So paano ako? Paano ko matatapos lahat ng ginagawa ko kung kailangan ko basahin, ipaintindi at ipaliliwanag ko ang bawat module sa bata? Paano yung anak ko? Sounds selfish oo pero sa sobrang likot at clingy ng anak ko ni magsuklay at maligo di ko na madalas magawa (pinupuyat pa ako sa madaling araw nyan) Ang point ko lang naman nahihirapan ako pagsabayin unlike si sister-in-law madami syang time matuturuan nya yung grade 1. Sinabi ko kay hubby sabi nya talagang ganyan may kanya kanya tayong responsibilidad. Nawindang ako dun ang responsibilidad ko lang naman talaga kundi sya at anak namin. Tama naman ako diba? Akala kase ng ibang tao porke nasa bahay lang hindi nakakapagod. Akala nila madaling mag alaga ng bata. Akala nila masarap maging house wife, pahiga higa ka lang pag tulog yung bata, kakain at matutulog ka pag gusto mo kase asa bahay ka lang naman. First time mom ako at nakakainis kase walang nakakaintindi saken. Imbes na tulungan ko mapadali at mag adjust ka sa pagiging ina mas dinadagdagan pa nila yung gawain mo. By the way asa 50's pa lang si mil kaya din naman nya mag guide sa mga apo nya. Selfish na ako oo pero napapagod din ako, kailanggan ko din magpahinga pag tulog si baby.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Relate na relate ako Momsh! Mahirap ibalanse ngayon pero kailangan kayanin naten. Meron akong Grade 7 at Grade 4 plus 8 months baby. Minsan nakakawindang pero pinipilit pa din kayanin para sa mga bata.