What's your opinion on this?
We have 2 year old daughter, turning three, and we're planning to have another kid. Do you think mas better po ba na small lang ang age gap ng kids or mas maganda ang bigger age gap? I asked na rin dito kasi, lately we've been asking her if she wants to have a sibling but she's persistent on saying no. Even if we explained what a sibling is, still no...

Ang age gap ng 1st and 2nd ko is almost 4 years. Narealize kong mahirap pala ang ganung age gap kasi bantayin pa rin talaga si first born. So ang age gap naman ni 2nd kay 3rd is 7 years same sa gap naman niya sa bunso namin. Madali lang sabihin na keri na sundan pero kasi mii iconsider mo rin syempre ang outcome at situation. For me mas okay yung naging decision namin na 7 years bago masundan. At least kasi kapag ganun age na, hindi na masyadong mahirap pasunurin. Hindi na rin sobrang bigat ng mga gawain lalo na kapag kami lang palagi ang naiiwan sa bahay. Kasi syempre yung 7yr old ko marunong na maligo, magbihis, magligpit and do her little things. In addition to that, pag mas malaki ang age gap, masusulit nio pagkababy niya and masusulit din ni baby ang pagiging baby niya. At least sana ready kayong tatlo (mommy, daddy and baby) before magkaron ulit ng new member sa family. Sa experience ko yan mii ha. Depende pa rin sa inyo kung gusto na talaga sundan☺️
Magbasa pa
26 | Mother, wife, and psychologist. Trying to juggle out the impossible.