Blighted ovum
Halos 2 beses na po kaming nawalan ng baby. Ung first baby po namin namatay isang araw pagtapos kong manganak dahil sa complication (pero normal po lahat during prenatal check ups). Itong dapat na pangalawa po hindi natuloy kasi blighted ovum at dinugo na rin po ako kaya kailangan raspahin. May same case o halos parehas po ba nang nangyari sa amin pero nagkaroon ng successful pregnancy at may baby na rin ngayon? Pa-share naman po ng experiences niyo. Sobrang down po namin ngayon kasi 9 years po ang hinintay namin bago magpakasal para bumuo ng pamilya.