8 weeks na pero Yolk sac pa lang normal ba ?

Hai po... Kahapon po dinugo ako.tas ngayon araw po check up ko sa OB .. nalaman ko po na may bleeding sa loob ng matres ko . Tapos ang sabe yolk sac pa lang daw po ang nakikita . Niresetahan po ako ng pampakapit at binapabalik po ako every 2 weeks . Sino po same case po dito ? Normal lang po ba un ? Na yolk sac pa lang po ? December 7 2022 po ako huling niregla ng unang araw . Tas Di ako dinantnan hanggang ngayon tas nagpaOB ako nung mga nung January 24 trinans V ako ng OB sabe confirm na pregnant ako .. Bale nasa 8 weeks na po tong tiyan ko .. ask ko lang normal po ba na yolk sac pa lang ang nakita ? Mean wala pang baby or what ? Sana may sumagot nangangamba po kasi ako 🥺

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

may cases na ganyan po. wait after 2weeks pa (10weeks ka na by lmp) baka super late development lang... normally kasi 6-8weeks may embryo na at heartbeat. after 10weeks po at still yolk sac pa rin, blighted ovum na po pag ganun (usually) ibig sabihin bugok at di po nagproceed mabuo.. basta tuloy mo lang uminom ng mga gamot na binigay sayo, pray at iwas stress gat maaari sana.

Magbasa pa
2y ago

opo . kaya po nakakapangamba po 🥺