guilt, stress, nahulog ko si baby

Haay, sobrang naguguilt ako, nung 20 days old c baby pinapaburp ko sya sa dibdib ko sa kama.. di ko akalain na makakatulog ako, pag gising ko nasa lapag na sya umiiyak. Ang taas ng kama ay hanggang tuhod.. Dinala namin sya sa pedia, chineck sya, wala naman syang bukol pati bali sa mga buto. Hindi rin sya nagsuka etc. Ngayon mag 2 months na sya, okay naman sya. Pero ako hindi ako okay, araw araw ko padin naiisip yung nangyari, ang hirap tanggapin yung nagawa ko, gabi gabi naiiyak ako kasi nag aalala ako kay baby in the future.. bka may effect in the future.. nakakastress.... ang laki ng kasalanan ko na nagawa sa baby ko... haaaay. Ano ba ggawin ko... sobrang guilty talaga ako sa nangyari... parang di ko na kaya

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

wag muna isipin un mamshie. ok naman na si baby at wlang nangyare sa knyang masama. baka mapabayaan mo ulit si baby kpg isip ka ng isip, focus kapo kay baby tska bantayan mopo sya mabuti.

Wag mo na isipin momsh. Kung okay naman, no need pangpahirapan yung sarili mo sa kakaisip dun. Di mo naman din kagustuhan yun, make sure nalang next time na safe siya. God bless!

VIP Member

Depression po yan mommy. Sana po makakarecover ka sa pinagdadaanan mo. Too much anxiety na kasi yan. Better open up sa family mo kasi di po biro eto

6y ago

Nahihiya po kasi ako. Pero nilalaksan ko po loob ko ngaun. Pinipilit ko po maging okay.... nahihirapan lang po ako sa ngaun, ang bigat po sa dibdib tpos lagi ko pa naiisip... sana nga po malampasan ko po ito. Ang hirap po pala pag ganito.... thank u po mommy...

Huwag mo po sisihin self mo. That was an accident maam. Hindi mo namn po ginusto un. Just pray po para maging okay ka po.

Ok nmn daw po sya sabi ng pedia nya. Free ur self na po sa guilt. Wala nmn po masamang nangyari sa kanya ii. Pray lang po lage.

Magbasa pa
6y ago

Opo sabi po nung pedia na pinagcheck upan nya nung nhulog sya, ok nmn dw po syq. Pero neto pong last week, nag visit po kmi sa pedia nya tlga, tinanong ko po kung sa future nya baka may mangyari, ang sabi ng pedia nya, baka daw may seizure na mangyari kasi nauntog dw po eh.. pero wag naman daw po sana sabi ni pedia, may possibilities lng dw... nakakatakot po... Sana po malampasan ko tong nangyayari sa akin, first tym mom lng po kc ako kaya di ako sure sa mga gngwa ko.... thank u po sa inyo

TapFluencer

Okay lang yan mommy. May mga times talaga na ganyan. Napacheck mo naman si baby. Okay lang siya :)

Mommy, dinala mo naman si baby agad sa pedia. You need to forgive yourself.

VIP Member

It happens to most people mommy. It’s ok. As long as baby is ok.