guilt, stress, nahulog ko si baby

Haay, sobrang naguguilt ako, nung 20 days old c baby pinapaburp ko sya sa dibdib ko sa kama.. di ko akalain na makakatulog ako, pag gising ko nasa lapag na sya umiiyak. Ang taas ng kama ay hanggang tuhod.. Dinala namin sya sa pedia, chineck sya, wala naman syang bukol pati bali sa mga buto. Hindi rin sya nagsuka etc. Ngayon mag 2 months na sya, okay naman sya. Pero ako hindi ako okay, araw araw ko padin naiisip yung nangyari, ang hirap tanggapin yung nagawa ko, gabi gabi naiiyak ako kasi nag aalala ako kay baby in the future.. bka may effect in the future.. nakakastress.... ang laki ng kasalanan ko na nagawa sa baby ko... haaaay. Ano ba ggawin ko... sobrang guilty talaga ako sa nangyari... parang di ko na kaya

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momshie.. I understand you.. Gnyan din ako nun sa baby ko muntik ko na din xang ma bitawan.. Ung guilt sa sarili ko.. Pero aksedente naman po kc ang nangyari.. Hindi mu. Naman din sinasadya kay baby.. Ipag ubaya natin yN sa dyos, at importante okay naman c baby.. Momshie postpartum depression po yan nararandaman nyu na ngayun.. Plzzz take care of yourself first.. Ngayun kaylgnan ka ng baby mo lalo.. Better po consult again to ur OB for ur PPD or postpartum depression para may makatulong sa inyu na professional, hindi kac yan biro ang nararandaman mo sa sarili mo ngayun na sinasabi mo pa na iyak ka ng iyak lagi at hindi muna kaya.. Alagaan nyu po ang sarili nyu para kay baby..

Magbasa pa
TapFluencer

Naintindihan kita mommy kc 20days old pa c baby kht cguro sakin nangyari un d ko tlga maiwasang mag isip at guilt sa sarili ko..pro kelangan mo ring mag move on..kc lahat naman ng nanay dadaan sa gnyan puyat pagod hanggng mkatulugan c baby pro wag mo isipin ng isipin gnawa mo nmn lahat dba para sa ikakabuti ng baby kc wla nmng perfect na nanay kht ako ngaun pinagsasabihan ako lge na npapabayaan ko daw mnsan.. bsta tiis tiis nlng muna mommy wag nui tulugan c baby isipin mo sya bago ka mkatulog..c baby ko never ko sya natulugan kht sobrang pagod at puyat ko na kc iniisip ko kaligtasan nya marami kasing wat if..kaya learn mo nlng yan from d mistakes at move on.

Magbasa pa
6y ago

Kaya nga po mommy eh.. 20 days old... nangyari na sa knya yun. Nasa isip ko na po tlga na hindi ako matutulog nun... ewan ko ba, bigla nlng cguro bumigay katawan ko sa pagod. Di ko na nacontrol grabe... Sana nga po wala mangyari sa knya in the future, kasi kasalanan ko sa knya yun... thank you mommy. Buti nlng may napagsabihan ako ng problema ko..

Free yourself from any guilt mommy. Oo, hindi naging maganda ang nangyari pero just to remind you walang perfect na Nanay at higit sa lahat Tao Lang din ang mga Nanay na nakaka ramdam ng pagod that may result na aantukin. Despite of what happened sa baby mo you did a good job to have your baby checked by his/her pedia to ensure your baby's safety. Mapanatag kna dahil Okey nmn sya. Move on, learn from that mistakes and take it as a lesson from you being a mom. Parte Yan ng mga matutunan natin as a mother at marami pang learnings. Pray ka Lang din to release all your anxieties. Tandaan mo kpg kinakalaban ka ng worries mo you battle it with prayer. 😊

Magbasa pa
6y ago

Anxiety po pala tawag dto... thank u po mommy. First time ko lng po kc kaya nahihirapan din po ako.. super thank you po tlga

Samin din si baby dalawang beses nahulog abot tuhod din ung kama namin. Busy kasi kami nung partner ko nun tapos si baby nasa higaan may harang nmn lahat, ako bumili lng tapos papa nya may ginagawa. Pagkakita daw ng papa nya wala na sa higaan nasa baba na daw umiiyak. Then yung second time naman tulog kaming Tatlo sa likot ni baby matulog nahulog sya ulit akala ko pa nun katabi ko sya , nung marinig ko iyak nya napatayo ako eh kinuha ko sya agad. Ganun kasi tlaga yan mangyayari at mangyayaring mahuhulog si baby d man mahulog mauuntog naman. Kasama kasi yon sa paglaki nila. Ayos lng din nmn yung baby ko 8 months na sya.

Magbasa pa
6y ago

Ilang months n po c baby nyo po nung nahulog? Si baby ko po kc 20 days old plng po sya kaya awang awa po ako sa kanya kahit wala naman po nangyaring malubha. Naaawa po ako dahil wala pa sya 1 month napabayaan ko agad sya...

wag mo masyado isipin mamsh..kasi if makakaprob ka emotionally,possible na maapektuhan din ang baby mo...halos same tyo ng experience..pero sa sofa naman..mag 11 years old na yung anak ko pero ok naman...kung ok naman sya gaya ng sabi ng doctor..no need to worry...kailangan healthy ka physically and lalong lalo emotionally para sa baby mo..sya ang magbebenefit..okay?pray and do not worry anymore..Godbless you...

Magbasa pa

If napacheck niyo naman agad si baby and lahat naman ay normal sakanyano need to worry. :) basta alagaan nalang po natin health niya and checkups if needed. Minsan talaga hindi po maiiwasan yung mga ganyang bagay. Be thankful nalang po na okay si baby. Kapatid ko po nung sanggol pa napabayaan namin ng sister ko, amoy baygon na yung bibig niya pero okay naman po siya now. Mas malaki na siya samin ngayon. :D

Magbasa pa

Ganan din po ako minsan mommy, naiisip ko baka mahulog c baby kpag ibinurp at hele ko sa sobrang antok. magiging ok po si baby mo momsh.. dito samin kpag nahulog c baby o khit yea1r and above.. Tapos di mo kita ang pagkahulog. May angel na sumalo sakanya kaya ok c baby mo. Tiwala lang ky lord. Wag mo masyado pagkaisipin mahirap mabinat.

Magbasa pa
6y ago

Yan dn po sbi ni pedia.. nasalo dw po ni angel.. thank u po sa inyo

Sabi namn ni pedia n ok sya wag kana maguilty ganun talaga pag sobrang pagod di mo naman kasalanan na nakatulog ka next time wag mo ng ipaburp si baby ng nakahiga ka dapat nakatayo ka tsaka nalang kayo humiga after makatulog ka man nasa tabi mo sya nakahiga safe sya..walang perpektong nanay di mo sadya yun.

Magbasa pa
6y ago

Thank u so much po

I feel you momshie. But u have to move on and Pray consistently that everything will be ok. Everything has a reason..accidentally or intentionally. You just have to be strong especially for your baby. Kaya mo Yan. Hind Tayo bibigyan ni Lord ng pagsubok ng hind ntin kaya. 😊God bless u!

ung sa 1st born ko dati madalas sya mawala sa paningin ko sa madaling araw 🤔 thanks to kulambo dahil nasasalo sya sa kalikutan nya 😉 pag naalimpungatan ako nsa may gilid na sya,salo sa kulambo 😊