Breastfeeding

Hello guys sino po dito nag bre-breastfeed? Nag sugat din po ba nipple niyo? To the point na nag dugo na tapos may nana na after nun, ano pong ginawa niyo? Ang sakit na kasi mag padede 18 days old palang po si baby gang ngayon po di pa gumagaling nipple ko masakit parin tuwing ila-latch niya. Help naman po.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh, meron pong nabibili na nipple cream. Pero ang first aid pp is punasan ng water water and cotton tapos air dry. And baka kaya po masakit every latch kasi baka mali po ang way ng pag latch ni baby, you can search po sa youtube ng tamang latch para di masakit.

6y ago

Triny ko na po kaso di niya masubo talaga ng buo yung areola ko gawa ng wide po yung areola ko tas mejo malaki nipple ko huhu