May blood pag dudumi

Guys pa help naman 22 weeks na ako pag nadumi ako may dugo yung dumi ko normal lang ba yun simula nun uminom ako ng iron tumigas ang dumi ko

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

19 weeks preggy ako ng ma experience ko to, and i'm 20 weeks na, ang ginawa ko kumain ako ng hinog na papaya, apple at orange araw araw then maraming tubig, medyo umokay naman, pero matigas parin poop ko then dumating narin sa point na may lumalabas ng dugo, kaya nagsearch ako dito, effective daw sa pregnant ang prune juice at yakult, then more water, ang ginagawa ko, prune juice sa after dinner tapos sa hapon yakult, tapos fruits, Nagpuprune juice lang ako kapag alam kong constipated ako ulit.. nakakadiarrhea daw kasi yun. Ang bilhin niyo pong prune juice yung may nakalagay na "no added sugar" sa bottle, matamis kasi yun. Iniwasan ko narin mag pork, kasi nakakatigas talaga siya ng poop, kaya iniba ko food diet ko, fish, chicken at more gulay nalang, tapos dapat laging may sabaw. Ang iron, kasama talaga siya sa vitamins natin kaya di talaga siya maiiwasan, and nakakatigas nga talaga siya ng poop.

Magbasa pa