pregnant
Guys ask ko lang po kung pwede po ba ako kumuha ng SSS MATERNITY BENEFITS? kase po graduating po ako ngayon at no experience pa sa work. Pwede kaya ako makakuha ng SSS nayan? Para naman makakuha din ako ng 70k nextyear pag nanganak ako

Sis ganito kasi yun. Unang tanong, SSS member kana ba? Kung nag aaral ka palang, malamang hindi pa. Ibig sabihin nun wala kang matatanggap kasi di ka naman member. Yung mga nagtatrabaho lang or nagvoluntary contribution ang nagiging member ng SSS. Kasi required yun sa work na maging member ka para mahulugan ng employer mo ang contributions mo tuwing sasahod ka. Ikakaltas nila yun at makikita mo sa payslip mo. Kapag member kana, saka ka lang makakaavail ng SSS maternity fund at ibang perks like loans, etc. May qualifying period pa yun at number of contributions na required before ka makaavail. In short, base sa sinasabi mo, hindi ka eligible.
Magbasa pa
Got a bun in the oven