di ko pa nararamdaman ..
guys 1st tym mom , okay lang po kayadi ko nararramdaman galaw ni baby ??? thanks


Ako po momsh as early as 14 weeks parang may pumipitik-pitik na sa may puson ko (sabi nila sinok daw ni baby 'yun). Nakakagulat nga po minsan eh, especially for a first time mom. Baka po naramdaman niyo na siyang gumalaw pero hindi niyo lang po na-recognize agad na 'yun na pala 'yun. Iba-iba po kasi 'yung sensation na dine-describe ng mga mommies. Meron po parang may nagba-bubbles sa tiyan/puson, or 'yung feeling na parang kumulo tiyan mo dahil sa gutom. Sa iba parang alon sa tiyan 'yung feeling, 'yung iba para daw may biglang gumuguhit sa tiyan/puson. 20 weeks po naging sobrang consistent magparamdam ni baby, may time na halos maghapon siyang malikot napapasakit na po niya puson ko minsan 😅 Nakapagpa-first trimester ultrasound na po kayo momsh? Medyo mapapanatag po kayo 'pag nakita niyo siya sa ultrasound na malikot 😁
Magbasa pa

