need advice
gusto ko po humingi ng advice sa inyo mga momshies kasi 3 months na ako naka panganak pero ang hirap pa din paglabanan ng post partum depression ko..may ka live in ang father ng baby ko at may anak din po sila at worst e relative ko po yung girl..alam ko marami magagalit at mang babash sa akin kaya wala po ako mapagsabihan.pinanagutan po ng guy yung anak ko at hindi nya naman po ako iniwan pero hirap na hirap na talaga ang kalooban ko dahil nagtatago kami ng baby ko.gusto ko ng iwan ung guy at magsustento na lang siya sa anak namin pero hindi ko alam kung kaya ko kasi mahal na mahal ko siya kaya lahat ng sakit tinitiis ko na maging pangalawa sa lahat ng bagay.pag may gusto ako sabihin sa kanya hindi ako pwede unang tumawag o magtxt.lagi ko lang siya hinihintay na mauna magparamdam.gusto ko itama ang mali namin pero pag iniisip ko pa lang na mawala siya sa buhay ko parang diko kaya.tulungan nyo po ako ano dapat ko gawin.