ANNULMENT WITH BABY

Hello gusto ko ng makipaghiwalay sa asawa ko. Dahil hirap na hirap na ko. Bukod sa ugali nya patibsa ugali ng byenan ko. Masyadong Mamas Boy na ngayon ko lang nakita. Pati pano palakihin anak namin pinakikialaman. Yung asawa ko naman laging oo sa nanay nya. Madalas pinagaawayan din na min ang pera dahil sya ang nagbabayad ng kinuhang kotse (innova) ng magulang nya. Kung ano matira yun lang para sa bata. Bukod pa dun mahilig syang magmura at may tendency na manuntok. Hilig din nya makipaginuman sa tropa nya. Ako din ingat na ingat sya hindi. Ng hingi na ko advice sa kaibigan ko kaso ang sabi tiisin ko daw dahil sa marriage vows at para sa bata. Kaso di ko na talaga matiis.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

The reality po is he is abusing you emotionally. Then may tendency na baka masaktan ka nadin niya physically kapag nagtagal pa po yang ganyang paguugali niya. Ilang months na po or years kayong nag titiis? Pag pray niyo na mag bago pa siya, daanin mo din sa mabuting usapan pero after doing your part and best at walang pag babago. It’s about time to decide whether you want to stay in that kind of relationship or not. You always have a choice. If it’s too much, leave. Always pray for guidance! Stay strong mommy! Hugs

Magbasa pa
VIP Member

once sinaktan ka, umalis kana jan sis, oo madali lng magsabi pero kung ako ikaw dapat alam mo kung saan ka lulugar at alam ko kung kailan ka dapat umalis sa relasyon kahit pa kasal kayo, mahirap ung asawa mo dapat kakampi mo pero sya ngging kaaway mo..kung maayos nyo pa sana para sa bata mas maganda pero kung malala na tlga at toxic, dapat alam mong dapat kana umalis sa relasyon bilang respeto n dn sa sarili mo advice lng

Magbasa pa
VIP Member

for me, di ako magtitiis sa ganyang lalaki. Kaya tayo nag asawa para sumaya hindi para bigyan ng sakit ng ulo ang mga sarili naten. Madaling buhayin ang anak ng wala kang iniiisip na problema. kesa naman pinipilit mo buo pamilya mo pero di kana masaya. mas masaya ung wala kang problemang iniisip

TapFluencer

khit kelan pl tlg wl mbuting iddulot pg mamas boy ano. dpat ata bukod kyo bhay... kaso yn n tlg ugali nyan mgbbgo yn kung pbhhalgahn kyo magina... try nyo kya layasan yan tignan q lng d k mamiss ng asawa at byenan m...

Its wrong na tiisin dahil sa bata at kasal na yan mas mahirap pag nalakihan ng anak mo ang ganyan lalo pat nakikita nya ginagawa ng asawa mo better leave. Stay Strong👊

di na importante ang marriage vows dahil di naman na sya yung lalakeng pinakasalan mo. ikli ikli ng buhay para sayangin mo kasama ng taong hindi ka man lang marespeto.

TapFluencer

Kung Ano po ung feeling nyo is tama para sayo at para sa baby mo, un po sundin mo para Hindi ka mahirapan, and always pray.☺️kaya mo yan☺️