Di na kaya ng puso ko wala ako mapag sabihan ng nararamdaman ko🤧😭😭
Gusto ko mag rant 😭 long post Nakikitira kami sa in laws ang hirap makisama, nahihiya ako tapos pareho kami ng asawa ko walang work mahigit 1 year na. Bago mag lock down umalis kami pinas kase panget nga mas delikado tas buntis. Nagresign kami sa work at ng fly pag dating dito akala ko may mas maganda opportunity wala pala. Para kaming nasa province ang layo sa kabihasnan. Naka asa kami sa kanila sa lahat, Ang hirap Ma ego ako ayoko ng pinag sasabihan kung pano or ano dapat ko gawin I did my research naman and asked my Ob. First baby ko 10 months old tapos Nabuntis agad ako ngayon 2 months pregnant ako. Mix feed ang baby ko now kumakain na normal food sa umaga . Madaming beses na try iawat. About breast feeding ang dami nila sinasabi sa bahay kaya patago ko nalang pina dede anak ko dahil pilit nilang papa awat kaagad buti sana kung nag tatrabaho ako at hindi ko katabi matulog ang baby ko. Ayaw talaga ng baby ko sa bote. Naaawa ako syempre pag nakikita nya ko gusto nya dumede lalo na sa gabi bago matulog o pag nagigising in the middle of the night. Ayoko maka istorbo sa gabi lalo na pahinga sila gusyo ko din makapag pahinga dahil kakagaling lng namin sakit ng baby ko. Sabi ng in laws (advice lang daw🙄) Pero minsan parang galit na yung tono ng boses kesyo di daw ako nakikinig matigas ang ulo😤🤦 -Sabi naman ng nanay ko okay lang daw kasi nung baby ako 2 yrs old ganun kahit ano gawin di maawat nag stop lang ako dumede nung nakita ko meron na ibang dumadede sa nanay ko. - pilit cocompare sa knya o sa iba kesyo 3 days lang pwedi na maawat( ganun daw siya dati) eh syempre ng wowork sya so madali para sa kanya (motherinlaw)🙄 -Masama daw mag padede ng buntis -Malalason si baby, Mag kakasakit -Ako daw mag kakasakit din -Need ng nutrients ng baby -Di daw ba ako nandidiri mag padede meron na laman tyan ko -Iba na daw kasi laman nun bagong gatas na -tingnan nalang natin pag nag kasakit yan ikaw din mahihirapan.. Di ko na alam ano sasagot ko naiiyak nalang ako Ok lang ako sa tandem breastfeeding sana.. For me bonding namin ng baby ko yung pag dede nya saken and about my pregnancy now hindi naman maselan wala naman ako symptoms na fefeel parang normal lang and last ultrasound ang sabi healthy naman daw. Gusto ko umalis dito hindi ko na kaya😭😭 Nasa ibang bansa po kami. Lagi ko naiisip sana tapos na tong covid at makauwi ng pinas