Hello mga ka mommy
Gusto ko lang pong mag open up ng nararamdaman ko. Diko alam paano sisimulan☹️ tumaba po kasi ako ngayong may anak nako . Ang dami ko pong narirnig na pang lalait sa paligid ko😭 kesyo mataba nako sobrang losyang na☹️🥺 natatawa nalang din po ako sa kanila minsan para iwas gulo sinasabayan konalang trip nila, pero deep inside sobrang sakit po malait ng ganun ganun nalang🥺☹️ iba po kasi yung way nila ng pananalita as in mapapahiya ka at maraming makakarinig na tao na sinasabihan ka ng ganun. Aminado naman po ako sa sarili ko na tumaba at napabayaan kona po ang sarili ko☹️ang hirap po kasing mag focus sa sarili mga mommy may anak po akong alagain at makulit😭 ako lang po ang naiiwan sa bahay at stayin ang asawa ko, kaya pag tulog po ang baby ko don po ako naguumpisa maglinis maligo at kung ano ano pang pwedeng gawin sa bahay minsan sa sobrang dami pong gawain sa bahay diko din maiwasan pong di magutom kaya kumakain po ako gawa ng breastfeeding po ako minsan po sa sobrang pagod ko natutulog po kami ng anak ko sinasabayan ko sya sobrang pagod kaya limot ko mag ayos sa sarili😭 diko alam bakit parang pag lalabas ako may mga matang nakatingin at nagbubulungan sa paligid ko na kesyo DATI ANG GANDA GANDA NYAN AT ANG GANDA PA NG KATAWAN! TIGNAN MO NGAYON NAPABAYAAN NA ANG SARILI LOSYANG NA!! WALA NG PAG ASANG PUMAYAT YANG GANYAN KATABA!😭 Sobrang sakit lang po makarinig ng ganon diko naman pinababayaan ang anak ko napakalinis ko sa anak mga mommy wala silang mapintas saakin kundi ang itsura ko☹️ dati po kasi nung dalaga ako 50kilo ako but now im 70kilo na😭 minsan gusto ko din magsabi sa hubby ko na ganon ang nararanasan ko pero miski sya sinasabi saakin MAG DIET KA NAMAN KASI SAKA PATIGILIN MONA ANG ANAK MONG DUMEDE SAYO PARA BUMALIK NA YUNG KATAWAN MO sobrang sakin lang po , bakit kopo patitigilin ang anak ko sa pag papadede saakin kung ayaw naman? At doon nasya nasanay? Bakit ko kailangan ipag palit ang kalusugan ng anak ko ng dahil para lang pumayat ako? Ang diko lang po maiwasan yung panay kain po ng kain mga mommy ☹️ sinisikap ko naman pong wag mamayat maya kumain kaso ngalang po may batang nadede saakin at mas kailangan ng nutrients na galing saakin sana may mag advice saakin kung ano ang pwede kong gawen ang hirap mag open up mga mommy miski sa magulang ko iisa lang ang sinasabi nila☹️😥 PS: 1yrand6months napo pala ang anak ko.