Hanggang saan ba ang obligasyon ng asawa ko sa kapatid niya?

Gusto ko lang po sana itanong ito na hanggang saan ba ang obligasyon niya sa kapatid niya, pumayag ako na siya ang magbayad ng kuryente at tubig sa bahay nila na tinitirahan ng kapatid niya para di na namin iyon pagawayan, kahit na di kami parehas nagsstay dun siya nagbabayad dahil palagi siya distino after ng distino niya dito naman siya nauwi sakin sa bahay namin ngayon nagulat ako nagchat tita niya at nabasa ko na binigyan daw niya ng 500 kapatid niya dahil utos daw ng asawa ko, so nagulat ako dahil di niya sinasabi. Naiinis lang ako dahil madalas na nga kaming kulang patid ba naman kapatid niya obligasyon niya pa, samantalang may kakayanan naman magtrabaho ang kapatid niya dahil tapos ng collage at kaya naman magwork, madami din naman kami ginagastusan dahil may anak siya sa pagkabinta na sinusuportahan ako ako na asawa niya kumbaga budget nin lalo na magastos kami dahil magkabukod kami dahil gastos din niya sa distino tapos budget ko pa. Mali ba ako na ganito ang sinasabi ko dahil kapatid niya yon? Pero ang pinopoint ko kasi dito ay asawa niya ako at may panganagilangan din kami, sa parents naman niya wala naman problema kung magabot siya pakunti kunti pero kuryente at tubig na kapatid niya nakikinabang at hindi kaming dalawa tapos nangutang pa siya ng 500 para lang maibigay sa Kapatid niya ano yon palagi na lang hihingi ang kapatid niya sa kanya, na halos ipangutang pa ng asawa ko?? Tingin ko kasi di na niya obligasyon yung bibigyan niya ng pera kapatid niya ipapangutang pa niya, hindi paba sapat na pumayag ako na siya magobluga magbayad ng expenses sa bahay nila kapatid niya ang nakikinabang. Mali paba ako sa part na yon madamot paba ako sa ganong pagkakataon?? Salamat sa sasagot

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ngaaral pa ba kapatid nya?

3y ago

nung di pa kami magasawa, nagbibigay takaga dun sa kpatid at magulang niya, at siya ngbbayad dun sa bahay noon nung di pa kmi mgasawa