Hindi ganun kadali
Gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob.. ๐ฅบ Nalulungkot ako para dun sa mga nagsasabi ng "huwag na kayong malungkot, gawa na lang uli kayo ng baby" sa mga namatayan ng sanggol. ๐ฅบ "Hindi ganun kadali. Hindi ganun kadali na huwag malungkot, huwag manghinayang at huwag mangulila" ๐ฅบ Lalo na kapag matagal mo siyang hinintay, kinasabikan na makita at mayakap. Lalo na kapag umabot na siya ng kabuwanan at naipanganak na siya. ๐ข Subrang sakit, lalo na kung naipanganak mo siya na hindi mo man lang nayakap o nakita.. Parang araw araw na heartbreak. ๐ญMasmasakit pa sa break up.. Ibang klaseng sakit. Yung feeling na mangulila sa isa na kahit kailan di mo na makakasama, yung mamiss mo ang isang hindi mo pa nakikita. Hindi ganun kadali. Yung kasing dali ng parang namigay ka lang ng tuta sa kapitbhay..๐ก๐ ๐ก parang tuta na mawala lang ay okey lang.. Hindi ganun..



