PCOS warriors
ang hirap ng ganto sa tuwing late or minsan di ka rereglahin kung ano na maiisip mo if preggy ka ba dahil sa dami ng symptoms na nararanasan mo , o kaya naman tapos na period mo magugulat ka one week lang nakalipas meron ka na uli tas spotting lang (konti lang ) nandto na nman na sasagi sa isip mo na buntis kaya ko bakit ganto ang bilis naman ?? mapapatanong ka nalang sa sarili mo kase baka sabihin ng iba nag a assume ka . , gagastos ka na nman ng PT then madidismaya ka sa result negative naman (false alarm lang pala )palagi, pupunta ka sa OB then bibigyan ka ng pills na kung saan ang daming side effect ang ma fe feel mo then still nagbayad ka na bumili ng meds di pa den nagbago ang cycle mo hindi pa den sya normal minsan maiisip mo na lang kung magkaka anak pa kaya o kaya naman nagkababy tas mauuwi sa miscarriage na 2 times kong reng naranasan na. , late ko na nalaman na preggy pala ko at di naagapan tas sobrang nakakastress lalo at makaka feel ka ng awa para sa baby mo na "sana " at sa sarili mo tapos magkaroon ka pa ng partner na di maintindihan pinagdadaanan mo na sa twing magsasabi ka na ang hirap masakit ganto ko e pagiisipan ka pang nag iinarte "na makakadagdag na naman sa iisipin mo Sa gabi hanggang sa di ka na makatulog sana ganun lang kadali ang lahat yung mukha kaming malusog tignan pero mahina talaga yung pangangatawan namin lalo na kung sa fatigue lang ang pag uusapan parang sobrang bigat ng pakiramdam namin araw araw sana ganun lang den kadali mag ka anak(makabuo) kapag alam mo na handa ka na na gustong gusto nyu na kase sa tuwing may magsasabi sayo nang ganto naaapektuhan ka "tagal nyu na wala pa kayong baby naunahan kayo nila ganto bla bla bla "?sinusubukan naman kaso anung magagawa namin e diba ready ang katawan namin at di pa binibigay para samin di talaga sya madali sa totoo lang nadedepressed kami sa timbang namin nagwoworry kami sa figured namin at daming bagay ang pumapasok sa isip namin na naaapektuhan kami ng tagos hanggang buto na sa pagkaen palang e kalaban na namin ang sarili namin yung tipong na ke crave ka kaso gusto mo pumayat kaya pipilitin mo iwasan yun kase alam mo na unhealthy yun kaso parang di buo yung araw mo nun , ang daming effort ang kailangan igugol pero sya ayun makapit paren sa ovary mo at ayaw mawala ???