Goodbye My Baby Nisha Calixa 😭👼my 18weeks baby 😭

Gusto ko lang po ilabas yung lungkot ko kasi iniwan na po ako ng baby Nisha Calixa ko. 😭😔 Nov. 30 mga bandang 2am ng madaling araw masakit na yung balakang at puson ko. Which is di na ako nakatulog ng maayos nakakaidlip lang pero magigising ulit pag sumasakit. Araw din ng check up ko ng Nov. 30 kaya di na rin ako nagtuloy tulog ko 5am gising na gising na ako. Pabangon bangon na ako kasi di na ako mapakali masakit talaga puson at balakang ko. Kaya pa naman ang pain kaya di ako ganun nagworry kasi madalas ko sya maramdaman. Mababa kasi matres ko at Nov. 1 pa lang dinudugo na ako. Muntik na ako makunan nung Nov. 4 kasi nilalabasan na ako ng malalaking dugo at parte ng inunan. Pero nung nagpacheck up ako sa Ob ko okay naman daw baby malikot niresetahan ako pampakapit. At gamot sa contractions ng tiyan ko. Pero nung IE ko nun open na open daw cervix ko pero ayun nga wla naman ibang sinabi si ob kundi continue sa pampakapit. Not knowing na pede pala tahiin ang cervix kapag open cervix kasi kapag open daw e anytime pede lumabas ang baby. Eto na nga po nangyari, aalis na sana kami nung Nov. 30 para magpacheck up pero parang di ko kaya kasi sa sakit ng puson ko at balakang di nawawala as in umiiyak na ako hanggang sinabi ko sa asawa ko na" dalin na ako sa ospital hindi ko na kaya" Bukid pa kami malayo sa bayan. Tumawag na sila sa ambulansya dito sa barangay namin habang inaantay lalo sumasakit at ramdam ko na may lalabas na. May pumutok na at para akong naihi lalo akong umiyak at natakot. After 2 mins napahiyaw ako sa sakit sabay paglabas ng baby ko. 😭😭😭😭nanghina na ako. Nakapa ko na paa nya. Sa bahay pa lang nailabas ko na sya. Di na inabot sa ospital. Nanghihinayang lang ako kasi nung niraraspa na ako sabi ng Ob ko " sa susunod na pagbubuntis mo tatahiin na kita" may option naman pala na tahiin cervix ko noon pa lang di naman sinuggest sakin. 😔😔😔 Naagapan sana buntis pa sana ako. Regular naman ang check up ko. Kulang na lang tumira ako sa clinic ng OB ko kasi maselan ako. Kumpleto sa vitamins pampakapit. Bed rest kung bed rest ako. Iningatan naman namin ang baby ko. Pero kinuha pa din sya sakin. 😭😭 Sobra pong masakit di ko po matanggap. Di man lang nabigyan ng chance ang baby ko na mabuhay. 😭😭😭😭 Di man lang ako nabigyan ng chance mapalaki sya. 😭😭😭 Sabik at excited pa naman kmi sa kanya. Lagi ko naman pinagdarasal na kahit Lord makaisa lang ako. Okay na ako magkaanak lang ako. Kasi nga po sobrang selan ng pagbubuntis ko. At pangalawang beses ko na po ito na nakunan. Siguro nga po di pa rin po ito para samin. Pero minsan naiisip ko po parang ang unfair po. 😭😭😭😭 Yung iba ayaw naman magkaanak , magulo ang pamilya, hirap ang buhay. Ako naman po masaya naman po pagsasama namin ng asawa ko, ready naman na po kmi magkaanak. Pero di pa din po kami pinagbigyan. 😭😭😭😭Masakit lang po talaga. Di ko po alam kung ano po plano ni Lord skin. Pero hinahabilin ko na po sa kanya ang Baby Angel Nisha ko. Baby Nisha tulungan mo ako makabangon ulit. Sa ngayon masakit, sobra akong nalulungkot. Lagi kita ipagprapray. Bantayan mo kami ng Dadiii. Mahal na mahal ka namin Baby ko. 😭😭😭

712 Replies

ramdam po kita dahil nakunan na den po ako at mababaden po matress ko 😔 pero buntis po ulet ako kaya todo ingat na talaga dahil sabe ng doctor na mababa yung bata pwedeng pwedeng lumabas kaya kailangan ng sobrang pag iingat 😔

VIP Member

First time mom din ako madalas dn pag sakit ng puson ko lalo na kapag tatayo galing sa higa or upo. saglit lng naman nasakit tapos nawawala dn .. Sana maging ok pinag bubuntis ko at for you mommy condolence po pray lang kay Lord .. God bless

VIP Member

naiyak naman aq momsh..18 weeks kasi q ngayon lagi din aqng bedrest kasi lagi siyang naninigas pero nkaka 2 ultrasound na q sarado nmn cervix q.. sana mas Ok ka n by now.. trust in God's love and plan for you momsh..sending prayers po..

Condolence 😭 as a 9 month pregnat di ko tuloy maiwasan mag worry 😔 Feeling ko fault ng ob yan. Worried din tuloy ako kase ngayon kabuwanan ko di ako makapag pacheck up dahil di ako iniisched ng ob namin. Hayst pray lang po.

condolence po

i feel your pain..momsh..mhirap man pero tanggapin pero baka may ibang plano c lord..hnd mo lng mkita kung anu sa ngaun...ako naniniwala na darting ang panahon at mkkuha mo din ang mtgal mo ng pinagdarasal ke lord kapit lang momsh..

Condolence mommy, may plan si Lord bakit yan nangyare. Wag ka po mawawalan ng tiwala kay Lord, mag tiwala ka lang sa plano nya, bibigyan at bibigyan din nya po kayo. Rest in paradise baby guide mo lagi mommy at daddy mo. 🙏

mommy i know the pain will never leave specially nawala si baby. i am praying for you. your baby would want you to not feel guilty. your baby in heaven wishes you to be guilt free and to continue on. take care po mommy.

Mommy, pag pray ka namin for your fast recovery.. Nararamdaman ko po ang lungkot at sakit ninyo.. (Nakikiramay po kami) Naway sa susunod na biyayaan kayo ni Lord maging maayos ang lahat.. God Bless Mommy🙏🙏🙏

VIP Member

bakit di pla tinahi cervix mo sis? i remember, ung isang patient ng OB ko nagmmdli na punthan sa ER ung nanay para tahiin ang cervix kasi 5 months plang open na ang cervix. aun, naagapan agad. common sense sana ni OB

i feel you mommy, twice n din ako nakunan. 3rd bby na yung pinagbubuntis ko ngayon 6months na, ingat na ingat na ako ngayon. kaso wala tlga tayong mggawa at minsan di tlga mkontrol yung mga bagay bagay, pray lng po ng pray .

awa ng Dios 27 weeks na ako ngayon

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles