Pregnancy Myths

Gusto ko lang malaman kung ano ang mga pinaka weird na pamahiin na narinig nyo tungkol sa pagbubuntis, at kung naniniwala ba kayo.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nako ang dame hndi kase ako pala paniwala kaya ang weird lahat para sakin. laking manila na kase ako tapos hubby ko laking province so sya talga nakakaasar minsan haha...yung mga pusa at aso dito pinagdududahan nya aswang kaya nananginip sya ng kung ano2 lalo pag nag iingay yung pusa sa bubong haist. tapos wag daw bubukaka sa may hangin papasukan daw ng hangin yung pwerta at lolobo yung ulo ng bata. tapos wag kakaen ng talong at mag viviolet yung baby pag iiyak, bawal daw malamig na tubig pag iinom at lalaki daw si baby, pag matutulog ako kailangan naka takip yung tyan ko ng dark na kumot or mag suot daw ako dark na damit kahit super init na kailangan din naka sara yung kurtina pag natutulog eh super init ngaun, bawal ako pumuri sa mga cute na hayop ewan ko bakit ano dahilan wala nman sya sinasabe pag tinatanong ko...nakakaloka!

Magbasa pa
6y ago

HAHA naaliw naman ako basahin mga yan.

VIP Member

yung sa pinto mahilig ako umupo, binabawal ako ni ate mahihirapan daw ako manganak... ung talong daw wag kumain mag vviolet si baby... after lindol need daw maligo... bawal magtahi magbubuhol buhol daw cord ni baby ( gusto q p nmn sana magtahi ng bagong pambahay n short at ung iba hnd q na masuot... balak q din sana mag crochet pang newborn costume pang picture ni baby eh🤦‍♀️mukang bibili nlng ako haha) bawal din daw mag kwintas ang buntis masasakal daw si baby...

Magbasa pa
VIP Member

Naalala ko mil ko nuon may time na nasa may pintuan ako nakatayo tas pinagsabihan nya ko na wag daw ako tatambay sa pinto kasi mahihirapan daw ako manganak. Meron pa na nakita nya ko na may bimpo sa balikat, pinatanggal nya kasi daw pupulupot daw yung umbilical cord ni baby sa leeg.

lapitin daw ng engkanto. 😂 kaya pag matutulog na ako tinatakpan ko ng itim na tela tyan ko para daw di nila makita. 😅😅 wala naman masama kung maniniwala

iwasan daw tumambay sa tapat ng pintuan, kasi mahihirapang lumabas si baby. kaya pag my bisita papasukin agad.

Yung sa lindol daw. need daw maligo at magtatalon pag katapos ng lindol. very wrong lalo na sa mga buntis

Nilagyan ako ng walis tingting ng biyenan ko pada di daw ako aswangin.

Bawal mgsuot ng kwentas kc pupulupot daw si baby sa pusod niya.