Need a mom hug

Gusto ko lang magvent out. I'm a full time and first time mom of a 5month old boy. Exclusive breastfeeding din ako. Work from home po ako pero hindi na ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa demand sa akin ng baby ko. Kahit pagtulog nya saglit lang pag nawala ako sa tabi nya. Sa tuwing iiyak sya o magigising, kailangan kong bitawan ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Naiiyak ako, hindi ko alam kung bibitawan ko na ba magpadede o kailangan ko na ba ng tagapag alaga. Kumokonti na rin kasi benta ko kasi hindi ko matutukan ng maayos. Yung asawa ko, nasa work, pag andito sya at sya nag aalaga sa baby, dun lang ako nakakapag trabaho, pero lahat sandali lang kasi pag nagutom si baby, ako na talaga. Paano nyo po nahahandle ang mga kagaya ko na sitwasyon?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Nag iipon kb ng breastmilk mo mommy? Try it then lagay mo sa bottle (follow proper storage) para kpg need nya, bigay mo nalang ky baby..

5y ago

Aw un lang.. 😬😬