sister-in-law
Gusto ko lang magrant. Before, I was really wondering kung bakit ayaw sakanya ng mama ni hubby. Including nanay and tatay (lolo and lola). Simula nung nabuntis ako hanggang sa manganak, dito na ko nagstay kina hubby kasama sya. Maayos naman. Approachable and halos parang ate ko kung ituring. Madalas pa kami magkwentuhan magdamag. Anyway, LDR kami ni hubby, pulis kasi. LDR din sila nung asawa nya which is coastguard naman. Pero these past few months, napapansin ko na kung bakit ayaw sakanya ng fam. First, napakatamad. Alam naman nya na matanda na si nanay pero doon nya inaasa ang pag-alaga sa 2 kids nya. Minsan nya lang paliguan, hindi sya nagpeprepare ng breakfast for her kids. Si nanay pa mag aasikaso sa dalawa para sa pag pasok sa school. 80 yrs old na yan ha. Kaya rin nya matulog buong maghapon sa kwarto. As in lalabas sya magdidinner na. Nawalan din syang work dahil sa katamaran nya. Pag tinamad, di papasok. Napapansin ko na rin ang pagiging mataray nya. Pati ako tinatarayan. Kanina lang, minessage sya ni hubby na gisingin ako para maidala ko si baby sa center for vaccination, di man lang ginawa, kaya sa sobrang inis ko, sinumbong ko sya kina hubby na nagasgas yung kotse nila dahil sa nagmamagaling syang magdrive. Wala nga syang lisensya. Lakas ng loob pa na tanungin ako kung ako daw ba nagsabi. Lol. Kanina, galit na galit sina nanay and tatay including mama, iyak sya eh. Haha. Sobra na kasi ang ugali. Hindi nya na rin ako tinutulungan mag alaga sa baby ko. Well, mga anak nya nga di nya maasikaso, ibang baby pa kaya? Kapag kausap sya ng asawa nya pinapakita nya si baby sa vcall na para bang mahal na mahal nya. Pero pag wala na, wala namang pakialam. Mahal na mahal kasi ng brother-in-law ko si baby lalo na at first pamangkin nya tapos nag-iisang lalaki pa. Dami ko pa sana gusto ikwento pero sobrang haba na. Kastress kasing kasama to.