gusto ko lang maglabas ng sama ng loob mga kananay :'(
Diabetic po ako type 2 and buntis po ako ngayon ng 23 weeks . 2 times na ko nakunan at ngayon lang naging successful ang pagbubuntis ko kaya nagresign ako sa work para matutukan ko pinagbubuntis ko at magpahinga ng bongga .
hindi ako ung katulad sa ibang buntis na pwede sa center or mga lying in . 2 doctor ko .. which is ob and endocrinologist . ilang beses kami nagchecheck up and meet sa loob ng 1 month .. until makapanganak .
sobrang daming lab test ang kelangan and hindi biro ang bayarin at gastusin .
kaso ang nakakasama ng loob ung tipong imbes na suportahan ka ng parents mo sila pa nagpapastress sayo pag may naitulong isusumbat nila sayo .
awang awa ako sa baby ko kasi di ko mapigilan na umiyak sa mga naririnig ko galing sa parents ko . hindi ko din alam san pupunta o hihinge ng tulong .
sana maging okay ang pagbubuntis ko at ipaparamdam ko sa anak ko kung gaano ko sya kamahal :(
pakayap naman po