Fiance ko.

Gusto ko lang mag share, sobrang sama ng loob ko sa asawa ko. 36 weeks pregnant ako today, Meron na kami sariling bahay, nasa Spain sya ako nasa filipinas. Spanish citizen sya pero Filipino sya di sya pinapayaga pa pumasok nv Filipinas dahil foreign passport nya. At alam ko di sya makakauwi pag nanganak ako. Nag away kami ngayon, whatsapp lang communication namin. Gusto nya akong bumili ng appliances namin sa bahay, Fridge, TV, Lutuan, at kung ano ano pa. Ang gusto nyang gawin ko bago sya mag padala ng pera pumunta muna ako sa bilihan tapos picturan ko lahat ng presyo ng ipapabili nya, tapos alis ako ulit sa tindahan, para iclaim yung pera na ipapadala nya tapos balik ako ulit. Na iinis ako kase, Pwede namang isang beses na lang ako pumunta sa Bilihan. After ko kunin yung pera nya. May idea naman na sya sa presyo ng mga bibilhin worth 34k. Di ko lang maintindihan bakit kailangan pabalik balikin pako. Iniisip nya yung perang ipapadala nya, kesa sa safety ko. Alam nyang everyday hirap nako mag lakad dahil masakit na yung private part ko dahil ilang weeks nalang manganganak nako, or anytime pwede nako manganak. Diko alam kung anong gusto nyang palabasin. Sa kondisyon nya bago niya ibigay yung Pang bili ng appliances sa bahay. Yung madali kase, gusto nyang gawing komplikado. Palagi syang ganyan kahit nung nag papagawa kami ng bahay, ngayong year lang, buntis nako gusto nya 8 hours nag ttrabaho sa pinapagaw naming bahay, 8hrs din ako nandun para bantayan yung gumagawa. Ang hirap mag adjust kase 16 years age gap namin mas matanda sya sakin. Minsan na fefeel ko na, hindi asawa turing sakin, slave lang ako Yaya, utusan. Sobrang nakaka stress. Minsan naiiyak ako. Hindi ko alam pano ko ipapa intindi sa kanya. Na Sana isipin nya din yung safety ko, hindi puro safety ng pera nya. ???????

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hays grbe nman asawa mo sis prang walang tiwala sa pera kc kilangan pa tlga picturan yung presyo. 😌 ang hirap nang sitwasyon mo

5y ago

Filipino kase sya pero sa Spain sya lumaki. Lagi nyang sinasabe sakin na sabihin ko mga need ko, Binibigyan naman nya ko malaking pera pang gastos kahit diko hingin Pero minsan may ugali talaga syang ganyan. Parang walang tiwala.

Huhu sending hugs mommy :(