Need Help
Gusto ko lang ishare ang kwento ko. At baka makahingi ng tulong at ideas. Pinanganak ko si LO Aug. 19, after 2 days sa ospital nalaman naming may butas siya sa puso. After a week nagfollow up ulit kami sa cardio pedia niya, at doon ko nga nakita sa repeat 2d echo niya na malaki nga ang butas sa puso niya. Pinaliwanag naman sa amin ng cardio pedia niya na kailangan syang maoperahan. May tinatawag na z benefit, kung hindi mangitim si LO at maoperahan para paluwagin ang baradong ugat kakaunti lang ang magagastos namin para sa open heart surgery niya, kung magundergo naman siya nung isang surgery kakailanganin ko ng halos 1 milyon para matapalan ang butas niya sa puso. Alam niyo sa totoo lang gabi gabi ako umiiyak. Hindi ko alam saan mamumulot ng ganun kalaking halaga.. ginagawa ko na lahat, kung anu ano na rin binebenta kong bagay bagay para lang may maidagdag sa ipon, kahit barya barya lang pag pinagsama sama lalaki rin.. Ano pa kaya pwede ko gawin? :(