1 month lo with congenital heart disease

Huhuhu. Napakasakit. May butas yung puso ng anak ko. Di ko alam gagawin. Tanging solusyon lang daw ay surgery.

1 month lo with congenital heart disease
148 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po baby ko ngayon .. 1month palang siya .. Sobrang hirap po siyang huminga lalo na kapg inuubo siya.. Pra siyang namumula na nangingitim .. Kaya sobrang worry po kmi mag asawa dahil siya lang talga ang anak nmin na may butas ang puso Kaya kapag inaatake siya ng hingal o ubo takbo kagad kmi sa hosp niya pra mapacheck up siya .. Pray pray lang kmi hanggng sa gumaling siya .. Wag tayong matakot na magdasal .. At lumaban lang tayo hanggng sa makakaya ntin kase habang pinanghihinaan ka ng loob .. Nanghihina din si lo. Kaya laban lng pra sa nga anak ntin..

Magbasa pa

Pwede nyo po siya ipacheck up sa Philippine Heart Center 🥰 Marami po babies samin na naooperahan dahil may butas ung puso at after nila maoperahan nagiging normal ang lahat di na rin hirap ung baby 😊 pero depende rin sa baby kung kakayanin ng katawan nya ung operasyon ung ibang baby nakakaligtas nakakaya pero ung ibang baby naman di kinakaya ng katawan nila ung operasyon .. pero you don't need to worry magagaling ung mga pedia cardio samin .. sigurado ko gagaling ung baby mo 🥰

Magbasa pa
VIP Member

nung bata ako may ganyan ako, dahil nung pinagbubuntis ako ng mom ko HB sya, ventricular septal defect (VSD) , takot yung mama ko na mapa operahan ako, maliit yung butas sa puso ko pero risky sa operation, madaming bawal lalo na paiyakin, buti as i grow older unti unti nag close yung butas sa heart ko hanggang ngayong pregnant na ako im 25 yrs old, buti clear na, wala na yung butas. keep praying lang momsh wag mawalan ng pag asa 🙏🏼🙏🏼💪

Magbasa pa
2y ago

hi mam nung nanganak po ba kayo may kasama pang cardiologist?

sis may anak din po akong may butas ang puso , hindi ko din alam ang gagawin ko noon kundi umiyak sa takot ,pero God is good all the time , sinabihan din akong kailangan ng surgery at malaking pera ang gagastosin kaya halos mawalan na ako ng pag asa dahil wala kaming ganon kalaking halaga .. pero sa awa ng dios naging ok dinang anak ko ngaun 14years old na sya ... kasi kumipot lang ng kusa ang butas habang lumalaki sya ..

Magbasa pa
4y ago

Mahina din dumede pamangkin ko, problemado ang mommy niya. Any tips momsh?

Momshie ang baby ko Meron din butas Sa puso pero ang tawag Sa butas Sa puso nya ( vsd) or verticular septal defect.. Sabi ng cardio Doctor nya pwede mag sarado ang butas Sa puso ni baby kase maliit Lang naman.. try to consult Sa ibang Doctor mag pa second opinion ka baka Hindi naman need ng surgery. Pero depende Sa laki ng butas ng puso ni baby

Magbasa pa
5y ago

Hello mommies, share ko lang din, yung baby ko pagkapanganak nya, narinig ng pedia nya na may heart murmur sya. Nagresearch ako tungkol dito, iyak ako ng iyak. Tinanong ko pedia nya kung san galing yon, sbi nya inborn daw. Sobra ang pagiingat ko nung nagbubuntis ako at wala naman kaming lahi na may sakit sa puso. 0.17mm ang size. Nirefer kami sa pedia cardio at pina 2 d echo namin. 4,500 kada sinisilip at may binigay na maintenance para agad magsara hinahalo ko sa gatas nya every other day. Sa awa ng Diyos bago siya mag 1st month nagsara na. Normal heart na ang findings sa pangalawang 2decho nya. Kaya mommy, tiwala lang kay God. Magdasal ka lagi para yung takot mo ay mawala. Praying for your baby. God bless.

Pray lang po momsh. Yung kuya ko po dalawa butas sa puso nya nung ipinanganak sya. Araw-araw po tyinaga namin pagsisimba at pagnonovena para ipagdasal sya. Awa po ng Diyos 26yrs old na po sya and living a healthy and normal life. Kusa po nagsara mga butas nya sa puso pero yearly pdn po sya nagpapacheck up.

Magbasa pa

Momshie tiwala lang at pray lagi... Yong sa friend ko ganyan din ng ipanganak pero sa awa nmn ni God nung 3 months na yong baby nagsara yong butas... Pray ka lang sis nothing is impossible... Regular check up din sa doc ni baby... Mapapasan at magsasara din yan in jesus name momshie.... Fighting lang..

Magbasa pa
VIP Member

hi sis, wag ka po mwalan ng pag asa pray lang kay god. keep the faith.. share ko lang ung pmangkin ko may butas rin sa puso nung bata. pag ngsswimming un hbnag lumalaki nangingitim lage ung labi. di pa xa pwede operahan kase bata pa.. prang 8 yrs old ata xa naoperahan.. ngayun ok na xa.

gagaling yan momshie need lang ne baby ma operhan gaya ng pamangkin may butas yong puso nong pinanganak siya na confine siya sa pgh libre laaht wla silang binayaran sa awa ng dyos momshie nging ok na pamangkin ko taba taba na at malusog di na rin sakitin yon lang momshie di sila pwde mapgud

5y ago

dito po sa manila sa Pgh hospital po

Sorry to hear that sis! I hope you don’t mind me asking bakit nagkaroon ng butaan heart ❤️ ni baby? Is it something na na acquire nya sainyo or during pregnancy? Pray ka lang sis para sa safety ni baby. God is Good and He is a very gOod provider 🙏