No more judgements!
Gusto ko lamang po sana i share yung karanasan ko at kung pano po dumating sa point na magiging Single mother ako. Ever since po nang nag start akong mag dalaga hindi na po na talaga normal ang menstruation ko, minsan po 1 month ang lilipas bago po ako dalawin ng regla ko. January 27 nang nag start yung regla ko, hanggang February 1 po may kunting patak pa po ako. Pero February 1 ng gabi, dahil narin sa kakulitan ng kaibigan ko napasama ako sa jamming nila ng boyfriend niyang koreano sa isang Villa at aware ako na may iba pang koreano ang andun. Pagdating ko sa Villa may 5 akong Koreanong nakita at ang 4 sa kanila ay may kanya kanyang partner na babae at isa na dun yung kaibigan ko at boyfriend niya. Nagsisimula pa lang yung inuman ng kinausap ako ng boyfriend ng kaibigan ko na kung pwede daw ba ako mag stay sa Villa ng 5 days starting that night dahil nagustuhan daw ako ng Brother niyang koreano. Okay lang naman sa akin yun ang kaso nag aalala ako dahil may kunting patak patak pa nga ako ng regla ko. At sabi naman ng Koreanong magiging partner ko ayos lang daw dahil hindi naman daw niya ako gagalawin hangga't meron pa ako. So pumayag na lang ako. Pero nung gabi ding yun may nangyari sa amin, dahil wala ni isang patak ng regla sa underwear ko at dahil narin sa alak hinayaan ko kung ano man ang mga gustong mangyari ng mga katawan namin. Sa 5 days na pag stay ko sa koreano, wala na talaga akong nakitang patak ng regla ko. Hanggang lumipas yung araw at bigla akong nakatanggap ng Message tungkol sa ex fiance kong koreano, darating daw siya ng Feb 10 at balak niyang pumunta kami ng Vegan, gusto daw niya ng closure at alam daw niyang may feelings pa kami sa isa't isa. Upo! Wala naman pagbabago, mahal ko parin yung ex fiance ko. Sino ba naman ang makaka move on ng 1 week na lang bago yung kasal niyo eh bigla pa siyang umatras dahil pinakinggan niya yung mga paninira sakin na wala namang katutuhanan ng mga babae ng Brothers niya. Nakipagkita ako at sumama ako sa kanya, sa 10 days naming pagsasama nakapag decide kaming mag balikan na dalawa. Bumalik siya ng korea at lumipas na naman ang mga araw na halos napansin ko na yung pagbabago sa katawan ko at akala ko, ako lang yung naka kapansin pati din pala mga kaibigan ko. February 28 ng pinilit nila akong mag take ng pt at dalawang beses kung paggamit, pariho ng naging positive. Alam ko na sa sarili ko kung sino talaga yung ama ng baby ko, pero gusto ko parin itanong sana sa inyo na makakabasa nitong post ko kung sino sa palagay niyo yung ama ng baby ko? Yung nakilala ko ba ng February 1 to February 5 pagkatapos na pagkatapos ng menstruation ko o yung ex fiance ko na nakasama ko ng February 10 hanggang February 18? I share my story hindi para i judge niyo kundi para i share kung sa paanong paraan o sitwasyon binigay ni Lord yung first Angel sa buhay ko.
Dreaming of becoming a parent