757 Replies
manageable naman po gupitan ng kuko at linisan ng tenga si baby. tinatapat ko pa na tulog sya pag nag gugupit kami ng kuko, at tuwing bagong ligo naman kapag naglilunis ng tenga βΊοΈ
okay lang,d naman po ako nahihirapan,ginagaw ko po kaai sya pagpatulog paklgkatapos maligo,pinapa didi habang ginawa ko ng maglinis ng kuko an nailcutter
wala. tumutulo pa laway ng anak ko tuwing nililinisan ng tenga. mana sa daddy. tapos pagpuputulan ng kuko payag naman xa kasi sinasabihan ko na dirty na ung fingers nya.
Wala. Behave lang si baby ko. Gustong gusto nya nga na pinuputulan ko sya ng kuko. Binibigay sa akin nang kusa yung mga kamay nya. π
wala...gustong gusto ni baby na nililinisan ng tenga parang napapatirik mata nyaπ€£....sa kuko behave lang sya pagkatapos gupitan ang kuko papalakpak paπ
Linis tenga for me. Hehe kasi nagugupitan ko xa using trimmer pag tulog xa.. Pero pag nililinisan ko tenga nagigising at galaw ng galaw.. Nakakatakot.
Gupitan ng kuko. Sobrang likot ng ng mga kamay at paa. Kailangan tulog siya. Pero nagppalinis ang baby ko ng tenga niya talagang nakatigil lang siya.
Gupit kuko. π Kasi never ko pa ginawa. Anliliit kasi ng kuko ni baby eh. Kaya nibuff ko lang ung mga kuko nya. Para mabawasan at wala sharp edges.
magkuko kay baby malikot kasi, 7 months old na.. pero paglinilinisan ko ng tenga pagpinakita ko yung dirt na natanggal ko nagbebehave sya.. πΆπ»
haha kuko yata kasi yung tenga diko talaga kinakarir. punas punas lang most days.pero yung kuko need maayos otherwise nagkakamot mukha and masusugat