Ano'ng mas mahirap gawin?

Gupitan ng kuko si baby or Linisan ng tenga?

Ano'ng mas mahirap gawin?
757 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ahy naku napakaswerte ko sa mga anak ko. Di talaga ako nahirapan sa paglilinis ng tenga at pagtrim ng kuko nila. As in! They even enjoy it kasi isa sa bonding namin yun. Tip: Kausapin at sabihin nyo kay baby kung ano ang magandang maidudulot ng ginagawa nyo. Wag nyong pilitin at hawakan ng mahigpit kung ayaw. Mas lalong magpupumiglas yan 😁

Magbasa pa

Natuto na ko, tuwing tulog sya (Yung kaka sleep lang para mas mahimbing) tsaka ko sya gugupitan Ng kuko. tapos Yung sa Tenga, Mahirap pero pag bagong ligo sya mas madali linisin (Hindi dapat araw araw at least once or twice a week lang) sobrang likot nga lang so hinahawakan ko ulo nya or pinapanood ko sa cp para ma distract.

Magbasa pa

gupit kuko as in. hirap n hirap aq,lalo n pag gising d q tlga magugupitan kuko nya,ang likot,kya ginagawa q habang dumidede sakin don aq ng gugupit peo may tyms prin n likot prin,🤣🤣😂unlike sa linis tenga, gustong gusto nya,my tyms nga lng nsasaktan sya cguro nlikot dn mnsan..❤

yung pag gupit ng kuko grabe para kang nakikipag riesling or dami mong alibay para lng magupitan.. ang hirap lalo n ngyon n malaki n siya ... like n like nmn nia mag palinis ng tenga kw n lng mabwesit kase ayaw tumigil mag Palinis kapag naumpisahan mo ng linisin yung tenga nia...

Para sa akin yung gupitan ang kuku, kasi gumagamit tayo ng matutulis na bagay, at minsan di miwasan na gumagalaw c baby at baka masugatan natin yung daliri nila, samantala ung paglilinis ng tenga ay madali lang nmn gawin, marahan ka lang din sa paglinis para di masaktan c baby.

Para sa bunso ko walang kahirap hirap kase gustong gusto niya kinakalikot ko ang tenga niya at pag ginugupitan ko nman ng kuko hindi siya naglilikot..mahirap paniwalaan pero may video ako nung 8 months old palang xa nasa youtube ko😁hanggang ngaun 17 months na xa.

VIP Member

Gupit ng kuko!!!!!!! Jusko, dati nun infant pa madali pa e, nagagawa during breastfeeding, or sleeping. Ngayon 1 yr na, ay juskooooo... Pahirapan, kahit tulog.. Maramdaman lang nail cutter inaalis kung ano man daliri hawak ko. Haaaay.

VIP Member

linisan ng tenga... ginawa ko na kc routine kay baby ung pag gugupit ng kuko kaya alam na nya...di cya malikot not unless may lumaro o makakuha ng attention nya. yung pagliliins ng ears mahirap na kc mas sensitive na ears nya ngaun.

gupitin ang kuko. ang dami ko ng kinakantang nursery rhyms para mahibang lang si baby. lahat din ng different sounds ginawa ko na. minsan nababagot talaga xa lalo pa pinapaupo😂 gusto nia gumala gala. 7 months po pala si baby.

VIP Member

pareho ako nahihirapan. 😔pero sympre as a momma kailangan natin gawan ng paraan para magupitan ang kuko at malinis ang tenga ni baby ng maayos na hindi din sila na hihirapan or nasasaktan.😊